Ang Public Order and Safety Office (P.O.S.O.) ay ang
tanggapang nangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ng Muntinlupeños.
Kasama sa tungkuling ginagampanan ng P.O.S.O na pinamumunuan
ni Retired Col. Avelino Castro ay ang
pagbibigay ng suporta sa kaayusan ng
daloy ng trapiko, Crowd Control at Area Security sa mga pagkakataong may
mahahalagang sa programa ang atin local na pamahalaan.
Noong October 2, 2014 ginanap ang Climate Walk 2014 of the
Climate Change Commission mula Las Piñas hanggang Muntinlupa at Laguna
Boundary. Ang nasabing aktibidad ay kinailangan ng matinding suporta ng
P.O.S.O. upang mapanatili ang kaayusan ng program hanggan sa matapos ito.
Gayun din ang kanilang suporta sa walk for the National
Children’s Month Celebration ng Social Services Department kasama ang Early
Childhood Education.
Naglaan din ito ng karadagang seguridad sa mga nakalipas na
Eleksyon ng mga Homeowners Association sa Barangay Bayanan at Poblacion at
maging sa nakalipas na Medical and Dental Mission ng City Cooperative Office.
Ang mas pinalawak na programa ni Mayor Jaime R. Fresnedi sa
peace and order ay mahigpit na ipinatutupad sa pamamagitan ng iba’t ibang
tanggapan na nagpapanatili ng kaayusan at seguridad katulad ng P.O.S.O. na
handang magbigay serbisyo para sa kapakanan ng bawat Muntinlupeños.
No comments:
Post a Comment