Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga
Scouts, iba’t ibang mga programa ang hinanda ng Muntinlupa City Scouting
Committee sa pamumuno ni Scouter Danilo A. Austria sa ilalim ng Metro Manila
South Council of the Boy Scouts of the Philippines.
Sa pagbubukas ng nasabing
pagdiriwang iba’t ibang sports competition tulad ng basketball, volley ball,
laro ng lahi at iba pang team building activities ang naging panimula.
Noong October 25, 2014 nagkaroon
ng isang CAMPOREE o ang pagtitipon-tipon ng mga scouts sa ating lungsod sa
three days camp, na ginanap sa Sunken Garden, NBP Reservation, Barangay
Poblacion, Muntinlupa City, ito ang naging programa sa pagtatapos ng
selebrasyon.
Dumalo ang mga batang scouts mula
sa Elementary at High School sa ating lungsod pribado at pampublikong paaralan
sa nasabing programa at dito iginawad ang mga nagwagi sa mga kompetisyon.
Labis naman ang kasiyahan ng mga
nagsipaglahok sa programang ito, at bakas sa mga bata ang masasayang karanasan
nila bilang mga scouts.
No comments:
Post a Comment