Thursday, October 30, 2014

MEDOCAP, sa Sitio San Antonio Hatid ng Muntinlupa PNP

Katuwang ng Philippine Nationap Police – Muntinlupa (PNP) ang Arm Forces of the Phillippines Reserved Command at Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa pagsagawa ng Medical Optical and Other Civic Action Programs (MEDOCAP) sa Sitio San Antonio, Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong Oct. 25, 2014 bilang bahagi ng selebrasyon ng 22nd National Children’s Month.

Ang Muntinlupa Police Station na pinangangasiwaan ni Police Chief Senior Superintendent Allan Nobleza ay nagpaabot ng tulong medical para sa mga Muntinlupeños na naninirahan sa nasabing lugar. Sa pangunguna ni Police Chief Inspector Danilo Quidip naipaabot sa mga residente ang tulong na mula sa ating lokal na pamahalaan kasama ang Joint AFP, Laang Kawal Bayanihang Paglilingkod Para sa Mamamayan na binubuo ng 602nd Medical Service Battalion at 855th Electrical Engineering Battalions na pinangasiwaan naman ni 2LT Edgardo C. Cruz PAFR Operations Officer, S3.

Layunin ng programa na mailapit sa mga mamayan ang pangangailangang pangkalusugan mula sa ating pamahalaan Nasyonal at Lokal at mabigyan ng kasiyahan ang mga ito sa pamamagitan ng paparamdam sa kanila na sila ay pinapahalagahan ng ating gobyerno.

Sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi, hatid nito sa bawat Muntinlupeños ang mga programang nagbibigay ng importansya sa kalusugan ng mamayan. 





No comments:

Post a Comment