Ang Eidul Adha o ang Feast of Sacrifice ay isa sa dalawang
malaking Pista ng Islam na ipinag-diriwang matapos ang tatlong buwan ng
selebrasyon ng Eidl Fitr.
October 4, 2014 sa ganap na ika
anim ng umaga sa 3rd Level Starmall Alabang, Muntinlupa City
nagtipon tipon ang mga kapatid nating muslim sa ating lungsod upang icelebrate
sa pamamagitan ng sama-samang panalangin ang Eidul Adha na pinangunahan ni Imam
Alim Abunasif Aloon at ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office na pinamumunuan
ni Bro. Johnny T. Guiling ito ay bilang pag alala sa araw na kung saan si
Propeta Abraham ay isinakripisyo ang kanyang anak na si Ismael para sa kanyang
matinding pagmamahal sa Panginoong Diyos.
Ang mga kapatid nating Muslim sa ating lungsod ay pinahahalagahan ng ating butihing Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi kung kaya ganoon na lamang ang suportang ibinibigay nito sa mga proyekto at mga programang makakatulong sa pagkakaisa ng bawat Muntinlupeños.
No comments:
Post a Comment