Nagkaroon ng pagpupulong ang iba’t
ibang ahensya ng local at National na Pamahalaan kasama ang mga organisasyon sa
South Villle 3 Housing Project sa AVR, Muntinlupa City Hall, October 15, 2014
upang talakayin ang pagsasaayos ng mga programa ng iba’t ibang ahensya na
tumutulong sa kapakanan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
Ang nasabing pagpupulong ay
pinangunahan ni Ms. Julieta P. San Gabriel ang Officer in Charge ng SV3HP upang
talakayin ang mga naging accomplishment reports ng TriSectoral Council
Sub-Committees na binubuo ng mga sumusunod:
Livelihood – Department of Agriculture sa pangunguna ni Dr. Lilibeth
Deloso
Environmental Sanitation and Maintenance –ESC sa pangunguna ni Engr.
Rodolfo Moldez
Health, Sanitation and Nutrition Committee – CHO sa pangunguna ni Dr.
Magdalena Meana
Education, Information Training and Sports Committee – DepEd sa
pangunguna ni Dr. Prescilla De Sagun
Public Order and Safety Committee –PNP sa pangunguna ni Chief of Police
Allan Cruz Nobleza
Organizing Committee – UPAO sa pangunguna ni Ms. Alita Ramirez
Bawat kumite ay nagprisinta ng kanilang mga accomplishment reports bilang
bahagi ng programa.
Inihayag ni Muntinlupa City Mayor
Atty. Jaime R. Fresnedi sa pamamagitan ng maiksing mensahe ang pagsuporta nito
sa mga layunin ng programa at upang pagtibayin pa ang pagkakaisa sa pamamagitan
ng pagtutulungan ng bawat Muntinlupeños na naninirahan sa SV3HP.
No comments:
Post a Comment