Ang Cooperative Month ay ipinagdiriwang ngayong Oktubre ng
iba’t ibang cooperatiba sa ating Lungsod.
Iba’t ibang programa ang inihanda ng City Cooperative Office para sa mga
kooperatibang bahagi nito.
Sa pangunguna ni Dr. Edgar Trozado naglungsad ng isang
Medical and Dental Mission ang kanilang tanggapan upang matulungan ang mga
Muntinlupeños na nakatira sa South Ville 3, Barangay Poblacion, Muntinlupa City
bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month.
Bilang pasimula isang parade ang isinagawa mula sa Muntinlupa
City Hall, patungo ng Tunasan, Putatan, Bayanan, Alabang, Cupang, Buli, Sucat
hanggang sa Southville 3 upang magsilbing awareness sa pagdiriwang ng
Cooperative Month.
Iba’t ibang cooperatiba sa lungsod ang nakiisa sa programang
ito, bilang tanda ng pagkakaroon ng isang magandang samahan ng ating
pamahalaang lokal sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi.
No comments:
Post a Comment