Ang Alabang Public Market ang isa
sa pinakamalaking pamilihan at sentro ng kalakalan sa lungsod.
Noong October 30, 2014 nagsagawa ng
Oplan Timbangan ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Office sa
pamumuno ni Mr. Gary Llamas sa Alabang Public Market katuwang ang mga tanggapan
tulad ng Treasurer’s Office , Muntinlupa
City Public Market Office at Public Order and Safety Office.
Layunin ng programa na
mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili at gayun din naman sa mga nagtitinda.
Ito ay ginawa upang ang mga mamimili ay makasiguro na ang bawat timbangang ginagamit
ng mga nagtitinda ay walang daya at nasa maayos pang kundisyon.
Siniguro din na ang lahat ng
business permits ay updated at walang mga illegal vendors sa nasabing pamilihan.
Naglagay naman ng seals at tags sa mga weighing scale na pumasa sa inspeksyon.
No comments:
Post a Comment