Tuesday, October 21, 2014

MDRRMO Nagsagawa ng Training on High Angle and Collapsed Structure!

Ang pagiging isang disaster resilient ng Lungsod ng Muntinlupa ay hindi maikakaila dahil ito sa mga proyekto at programang handong ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Hon. Atty. Jaime R. Fresnedi.

Bilang bahagi ng kanyang walong puntong programa, ang ating butihing Mayor ay naglaan ng sapat na atensyon sa mga pangangailangan ng ating lungsod pagdating sa kahandaan at pagresponde sa panahon ng kalamidad.

Hindi lang karagdagang kagamitan ang sulusyon sa panahon ng kalamidad, bagkus ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wastong pag-gamit ng mga equipments at wastong pamamaraan ng pag responde ng mga rescuers ay isinagawa.

Nagkaroon ng pagsasanay sa High Angle and Collapsed Structure  ang Muntinlupa City Rescue Team ng Disaster Risk Reduction Office sa pamumuno ni Ms. Analyn Mercado upang palakasin ang kanilang kaalaman sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Nagtungo ang grupo sa RED Training Center, Pasig City noong October 18, 2013  upang doon ay magsanay. Pinamunuan naman ang pagsasanay na ito ni Mr. Hector Reyes ang Training Officer ng Makati City Disaster Risk Reduction Office kasama ang RED Training center at Pasig City Rescue Team.

Sinanay ang ating matatapang na rescuers sa actual na mga kaganapan sa panahon ng kalamidad na kung saan nagamit din dito ang kanilang mga natutunan sa kanilang seminars at kung paano magagamit ng maayos ang kanilang mga equipments.

                  

                      

Buong tapang nilang napagtagumpayan ang training na iniatang sa kanila ng kanilang mga trainors, dahil dito ang mga karagdagang kaalaman at mga karanasang natutunan ay kanilang maibabahagi at magagamit sa pagtugon sa bawat Muntinlupeños sa panahon ng kalamidad.




















No comments:

Post a Comment