Friday, October 31, 2014

City Government of Muntinlupa Trick or Treat!

Masayang nakiisa ang mga bata sa Trick or Treat Activity ng City Government of Muntinlupa sa pangunguna ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi.

Bawat tanggapan ay naglagay ng mga halloween decorations at nagsuot ng mga nakakatakot na costumes. At naghanda din ang mga ito ng kanikanilang mga Freebies para sa mga bata tulad ng chocolates, candies, loot bags at iba pa.

October 30, 2014 ang selebrasyon ng taunang Trick or Treat sa lungsod, ang mga batang naka suot ng Halloween costumes ay nagtungo sa lahat ng tanggapan at doon ay nakatanggap sila ng mga freebies mula sa mga ito.


Labis naman ang kasiyahang idinulot nito sa mga bata bitbit ang mga freebies na handog ng pamahalaang lokal para sa taunang pagdiriwang ng Halloween sa lungsod.




Operation Timbangan

Ang Alabang Public Market ang isa sa pinakamalaking pamilihan at sentro ng kalakalan sa lungsod.

Noong October 30, 2014 nagsagawa ng Oplan Timbangan ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Office sa pamumuno ni Mr. Gary Llamas sa Alabang Public Market katuwang ang mga tanggapan tulad ng Treasurer’s Office ,  Muntinlupa City Public Market Office at Public Order and Safety Office.

Layunin ng programa na mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili at gayun din naman sa mga nagtitinda. Ito ay ginawa upang ang mga mamimili ay makasiguro na ang bawat timbangang ginagamit ng mga nagtitinda ay walang daya at nasa maayos pang kundisyon.

Siniguro din na ang lahat ng business permits ay updated at walang mga illegal vendors sa nasabing pamilihan. Naglagay naman ng seals at tags sa mga weighing scale na pumasa sa inspeksyon.

Ang mga mamimili sa Alabang Public Market ay makasisiguro na tama at walang daya ang mga timbangan, dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa.


Thursday, October 30, 2014

PISTON RALLY Tinutukan ng P.O.S.O

Tinutukan ng ating lokal na pamahaaan ang malawakang rally ng PISTON transport group na isinagawa sa iba’t ibang dako ng bansa. Marami sa ating mga kababayan ang walang masakyan at naistranded.

Agad namang nagpahatid ng tulong ang ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi sa pamamagitan ng libreng sakay at public safety programs.

Isa ang Public Order and Safety Office sa mga tanggapang tumutok sa kaganapang ito noong Oct. 27, 2014 sa iba’t ibang lugar sa ating lungsod upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kaganapang ito.

Samantala tuloy-tuloy pa din ang ginagawang public assistance ng nasabing tanggapan, tulad ng crowd control, assistance during funeral and area security alinsunod sa kanilang tungkulin.

Wala namang naitalang iba pang mga insidente maliban sa nabanggit mula October 24 hanggang 27, 2014 sa ating lungsod, patunay lamang na ang katahimikan at kapayapaan sa lungsod ay mahigpit na ipinatutupad, dahil, Yan ang Tama!Yan ang Muntinlupa!

MUNCISCO Camporee

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Scouts, iba’t ibang mga programa ang hinanda ng Muntinlupa City Scouting Committee sa pamumuno ni Scouter Danilo A. Austria sa ilalim ng Metro Manila South Council of the Boy Scouts of the Philippines.

Sa pagbubukas ng nasabing pagdiriwang iba’t ibang sports competition tulad ng basketball, volley ball, laro ng lahi at iba pang team building activities ang naging panimula.

Noong October 25, 2014 nagkaroon ng isang CAMPOREE o ang pagtitipon-tipon ng mga scouts sa ating lungsod sa three days camp, na ginanap sa Sunken Garden, NBP Reservation, Barangay Poblacion, Muntinlupa City, ito ang naging programa sa pagtatapos ng selebrasyon.

Dumalo ang mga batang scouts mula sa Elementary at High School sa ating lungsod pribado at pampublikong paaralan sa nasabing programa at dito iginawad ang mga nagwagi sa mga kompetisyon.


Labis naman ang kasiyahan ng mga nagsipaglahok sa programang ito, at bakas sa mga bata ang masasayang karanasan nila bilang mga scouts.




MEDOCAP, sa Sitio San Antonio Hatid ng Muntinlupa PNP

Katuwang ng Philippine Nationap Police – Muntinlupa (PNP) ang Arm Forces of the Phillippines Reserved Command at Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa pagsagawa ng Medical Optical and Other Civic Action Programs (MEDOCAP) sa Sitio San Antonio, Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong Oct. 25, 2014 bilang bahagi ng selebrasyon ng 22nd National Children’s Month.

Ang Muntinlupa Police Station na pinangangasiwaan ni Police Chief Senior Superintendent Allan Nobleza ay nagpaabot ng tulong medical para sa mga Muntinlupeños na naninirahan sa nasabing lugar. Sa pangunguna ni Police Chief Inspector Danilo Quidip naipaabot sa mga residente ang tulong na mula sa ating lokal na pamahalaan kasama ang Joint AFP, Laang Kawal Bayanihang Paglilingkod Para sa Mamamayan na binubuo ng 602nd Medical Service Battalion at 855th Electrical Engineering Battalions na pinangasiwaan naman ni 2LT Edgardo C. Cruz PAFR Operations Officer, S3.

Layunin ng programa na mailapit sa mga mamayan ang pangangailangang pangkalusugan mula sa ating pamahalaan Nasyonal at Lokal at mabigyan ng kasiyahan ang mga ito sa pamamagitan ng paparamdam sa kanila na sila ay pinapahalagahan ng ating gobyerno.

Sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi, hatid nito sa bawat Muntinlupeños ang mga programang nagbibigay ng importansya sa kalusugan ng mamayan. 





City Cooperative Office Clean-Up Drive

Ang pamahalaang lokal sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ay katuwang ng bawat Muntinlupeños sa pangangalaga ng ating kapaligiran at pagpapanatili ng kalinisan.
Sa pagdiriwang ng Cooperative Month, ang City Cooperative Office ay nag lungsad ng isang napakagandang programa na hindi lamang nakatulong sa kalinisan ng ating kapaligiran bagkus ito din ay nakapag bigay ng tulong para ilan nating mga kababayang naninirahan sa Pulong Silangan, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.
Oct. 25, 2014 ng magsagawa ng Clean-up Drive ang nasabing tanggapan sa pamumuno ni Dr. Edgar Trozado kasama ang mga kawani at opisyales ng Barangay Poblacion, Muntinlupa City sa pamumuno ni Kapitan Allen Ampaya at ng mga kooperatiba sa lungsod.
Magkatuwang sa paglilinis ang mga kawani ng pamahalaang lokal kasama ang mga residente ng Pulong Silangan, Barangay Poblacion. Ang isang sako ng basura na kanilang nakuha pinalitan ng ng isang kilo ng bigas.
Hindi lamang nalinis ang kanilang lugar, nabigyan pa sila ng bigas, libreng check-up at mga gamot na nakapagbigay ng kasiyahan sa mga residente ng nabanggit na lugar.






 Patunay lamang na ang walong puntong programa ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi ay mahigpit na ipinatutupad sa buong Muntinlupa.


 

Additional Photos <-- Click Here

Thursday, October 23, 2014

DepEd-Munti, LGU tie up for K+12 Senior High Prep

As the Philippines shift gear in adapting international standard on K+12 curriculum for 2015 ASEAN integration, the Department of Education - Muntinlupa and the local government seal partnership in bracing for pilot period of Senior High School arrangement for school year 2016-2017.

DepEd-Muntinlupa organized the Senior High School Task Force, as it anticipates increase in number of enrollees in secondary schools as the Senior High School will be added after the next academic year.

The Division of Muntinlupa faces difficulties in accommodating all Grade 9 learners shifting to Grade 11 – 12 in Senior High School by 2016 due to conflict of growing number of enrollees as to the facilities in public schools.

Muntinlupa Science High School, among all public schools in the division, solely passed the requirement in accommodating stand-alone Senior High School. Reviewed for the school’s capacity, number of enrollees, MSHS was classified as the only shortlisted school for SHS.

In the quest that all learners in the city are accounted for, the DepEd-Munti and local government of Muntinlupa collaborated in erecting additional classrooms in public schools to accommodate large number of learners for Senior High School.

Muntinlupa National High School, Muntinlupa National High School – Tunasan Annex, and Cupang National High School were listed in Justified/Long List of DepEd Schools for SHS for more classrooms and facilities will be added.

Through the General Appropriation Act, the local government will also subsidize learners who wish to crossover in Senior High School offered by private schools and higher education institutions with P25,000 assistance in hope to accommodate all Muntinlupeños for the new secondary level.
SHS Task Force continues to create avenues for learners to be accommodated in Muntnlupa so that they won’t need to transfer to another division.

The local government, spearheaded by the Education Mayor Jaime Fresnedi, and DepEd Muntinlupa act as a team to provide Muntinlupeño learners access to Senior High School preparing them for life.

Senior High School Task Force, headed by SDS Priscilla De Sagun, is comprised of DepEd Muntinlupa Division Office, SHS Coordinator Nerissa Lomeda, Planning Officer Phoebe Arroyo, DepEd HS Principal Dr. Florante Marmeto, Private School Coordinator Gina Urquia, Congressman Rodolfo Biazon, Mayor Jaime Fresnedi, Education Committee Chair Councilor Stephanie Teves, Public Employment and Services chief Office Glenda Aniñon, Business Permits and Licenses Office head Gary Llamas, Industry Representative Elvie Quiazon, and Non-DepEd School Association represented by Noli Chua.



Tuesday, October 21, 2014

MDRRMO Nagsagawa ng Training on High Angle and Collapsed Structure!

Ang pagiging isang disaster resilient ng Lungsod ng Muntinlupa ay hindi maikakaila dahil ito sa mga proyekto at programang handong ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Hon. Atty. Jaime R. Fresnedi.

Bilang bahagi ng kanyang walong puntong programa, ang ating butihing Mayor ay naglaan ng sapat na atensyon sa mga pangangailangan ng ating lungsod pagdating sa kahandaan at pagresponde sa panahon ng kalamidad.

Hindi lang karagdagang kagamitan ang sulusyon sa panahon ng kalamidad, bagkus ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wastong pag-gamit ng mga equipments at wastong pamamaraan ng pag responde ng mga rescuers ay isinagawa.

Nagkaroon ng pagsasanay sa High Angle and Collapsed Structure  ang Muntinlupa City Rescue Team ng Disaster Risk Reduction Office sa pamumuno ni Ms. Analyn Mercado upang palakasin ang kanilang kaalaman sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Nagtungo ang grupo sa RED Training Center, Pasig City noong October 18, 2013  upang doon ay magsanay. Pinamunuan naman ang pagsasanay na ito ni Mr. Hector Reyes ang Training Officer ng Makati City Disaster Risk Reduction Office kasama ang RED Training center at Pasig City Rescue Team.

Sinanay ang ating matatapang na rescuers sa actual na mga kaganapan sa panahon ng kalamidad na kung saan nagamit din dito ang kanilang mga natutunan sa kanilang seminars at kung paano magagamit ng maayos ang kanilang mga equipments.

                  

                      

Buong tapang nilang napagtagumpayan ang training na iniatang sa kanila ng kanilang mga trainors, dahil dito ang mga karagdagang kaalaman at mga karanasang natutunan ay kanilang maibabahagi at magagamit sa pagtugon sa bawat Muntinlupeños sa panahon ng kalamidad.




















Wednesday, October 15, 2014

Socio-Economic Development Tri-Sectoral Council Session

Nagkaroon ng pagpupulong ang iba’t ibang ahensya ng local at National na Pamahalaan kasama ang mga organisasyon sa South Villle 3 Housing Project sa AVR, Muntinlupa City Hall, October 15, 2014 upang talakayin ang pagsasaayos ng mga programa ng iba’t ibang ahensya na tumutulong sa kapakanan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Ms. Julieta P. San Gabriel ang Officer in Charge ng SV3HP upang talakayin ang mga naging accomplishment reports ng TriSectoral Council Sub-Committees na binubuo ng mga sumusunod:
Livelihood – Department of Agriculture sa pangunguna ni Dr. Lilibeth Deloso
Environmental Sanitation and Maintenance –ESC sa pangunguna ni Engr. Rodolfo Moldez
Health, Sanitation and Nutrition Committee – CHO sa pangunguna ni Dr. Magdalena Meana
Education, Information Training and Sports Committee – DepEd sa pangunguna ni Dr. Prescilla De Sagun
Public Order and Safety Committee –PNP sa pangunguna ni Chief of Police Allan Cruz Nobleza
Organizing Committee – UPAO sa pangunguna ni Ms. Alita Ramirez

Bawat kumite ay nagprisinta ng  kanilang mga accomplishment reports bilang bahagi ng programa.
Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi sa pamamagitan ng maiksing mensahe ang pagsuporta nito sa mga layunin ng programa at upang pagtibayin pa ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat Muntinlupeños na naninirahan sa SV3HP.


Thursday, October 9, 2014

Tuloy – Tuloy na Serbisyo ng P.O.S.O, Maspinalawak



Ang Public Order and Safety Office (P.O.S.O.) ay ang tanggapang nangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ng Muntinlupeños.

Kasama sa tungkuling ginagampanan ng P.O.S.O na pinamumunuan ni Retired Col. Avelino Castro  ay ang pagbibigay ng suporta sa  kaayusan ng daloy ng trapiko, Crowd Control at Area Security sa mga pagkakataong may mahahalagang sa programa ang atin local na pamahalaan.

Noong October 2, 2014 ginanap ang Climate Walk 2014 of the Climate Change Commission mula Las Piñas hanggang Muntinlupa at Laguna Boundary. Ang nasabing aktibidad ay kinailangan ng matinding suporta ng P.O.S.O. upang mapanatili ang kaayusan ng program hanggan sa matapos ito.

Gayun din ang kanilang suporta sa walk for the National Children’s Month Celebration ng Social Services Department kasama ang Early Childhood Education.

Naglaan din ito ng karadagang seguridad sa mga nakalipas na Eleksyon ng mga Homeowners Association sa Barangay Bayanan at Poblacion at maging sa nakalipas na Medical and Dental Mission ng City Cooperative Office.


Ang mas pinalawak na programa ni Mayor Jaime R. Fresnedi sa peace and order ay mahigpit na ipinatutupad sa pamamagitan ng iba’t ibang tanggapan na nagpapanatili ng kaayusan at seguridad katulad ng P.O.S.O. na handang magbigay serbisyo para sa kapakanan ng bawat Muntinlupeños.

PLMun @ 23: A Grand Success


The Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) Kicked-off its 23rd Foundation Celebration on September 11-13 with a float parade that was participated in by all five colleges the theme “PLMun: Tunay na May Dangal at Talino, Katuwang sa Pandaigdigang Pagbabago.”

The opening ceremony was held at the PLMun Quadrangle graced by no less than Mayor Jaime R. Fresnedi (JRF), former Customs Commissioner Ruffy Biazon andPLMun’s vey own President Dr. Ellen E. Presnedi.

In his message to the students JRF shared with them the humble beginnings of PLMun, which was then known as Muntinupa Polytechnic College (MPC). He surprised the students in telling them he was actually a member of the MPC faculty and that he remains a member of the PLMun faculty though in hiatus and hinted that he may resume teaching at PLMun in the near future. As the Chairman of the PLMun Board of Regents, JRF encouraged the students to not rely on the grape vine for information related to the things that the administration is doing on issues that impact the students. He called on them to seek the proper channel in voicing their concerns.

For her part, PLMun President Dr. Ellen Presnedi, citing Pilosopo Tasyo in Rizal’s Noli Me Tangere, extolled that meaningful change does not come about quickly and this is particularly true to the reforms being undertaken by the university administration. She appealed to the students, faculty and staff to be more proactive and positive emphasizing the need for all PLMunians to internalize the Core Values of the University.

Former Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon congratulated PLMun in its 23rd Foundation Celebration noting the growth and progress that PLMun has witnessed over the years.

Some of the highlights of the celebration were the cheer dance competition, the Mr. and Ms. PLMun, basketball, quiz bee. The College of Business Administration (CBA) is this year’s overall champion ending the College of Information Technology and Computer Studies (CITCS) 4 years in a row of championship.

Wednesday, October 8, 2014

City Cooperative Month,Medical and Dental Mission

Ang Cooperative Month ay ipinagdiriwang ngayong Oktubre ng iba’t ibang cooperatiba sa ating Lungsod.  Iba’t ibang programa ang inihanda ng City Cooperative Office para sa mga kooperatibang bahagi nito.

Sa pangunguna ni Dr. Edgar Trozado naglungsad ng isang Medical and Dental Mission ang kanilang tanggapan upang matulungan ang mga Muntinlupeños na nakatira sa South Ville 3, Barangay Poblacion, Muntinlupa City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month.

Bilang pasimula isang parade ang isinagawa mula sa Muntinlupa City Hall, patungo ng Tunasan, Putatan, Bayanan, Alabang, Cupang, Buli, Sucat hanggang sa Southville 3 upang magsilbing awareness sa pagdiriwang ng Cooperative Month.


Iba’t ibang cooperatiba sa lungsod ang nakiisa sa programang ito, bilang tanda ng pagkakaroon ng isang magandang samahan ng ating pamahalaang lokal sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi.


Eidul Adha 2014


Ang Eidul Adha o ang Feast of Sacrifice ay isa sa dalawang malaking Pista ng Islam na ipinag-diriwang matapos ang tatlong buwan ng selebrasyon ng Eidl Fitr.

October 4, 2014 sa ganap na ika anim ng umaga sa 3rd Level Starmall Alabang, Muntinlupa City nagtipon tipon ang mga kapatid nating muslim sa ating lungsod upang icelebrate sa pamamagitan ng sama-samang panalangin ang Eidul Adha na pinangunahan ni Imam Alim Abunasif Aloon at ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office na pinamumunuan ni Bro. Johnny T. Guiling ito ay bilang pag alala sa araw na kung saan si Propeta Abraham ay isinakripisyo ang kanyang anak na si Ismael para sa kanyang matinding pagmamahal sa Panginoong Diyos.

Ang mga kapatid nating Muslim sa ating lungsod ay pinahahalagahan ng ating butihing Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi kung kaya ganoon na lamang ang suportang ibinibigay nito sa mga proyekto at mga programang makakatulong sa pagkakaisa ng bawat Muntinlupeños.




PLMun Teachers Day Celebration

Ang World Teachers Day ngayong taon ay ipinagdiwang nating mga Filipino noong October  5, 2014.

Bago pa man sumapit ang World Teachers Day ay nauna na itong ipinagdiwang sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ng mga estudyante, mga guro at maging ng PLMun Administration, noong October  3, 2014 sa PLMun Gymnasium.

Iba’t ibang sorpresa ang inihanda ng mga estudyante upang mabigyan ng kasihayan ang kanilang mga minamahal na guro bilang tanda ng pasasalamat at pagbibigay pugay sa kadakilaan na kanilang ginampanan sa buhay ng kanilang mga estudyante.


Ang ating mga guro ang nagsisilbing ikalawang magulang natin sa labas ng ating mga tahanan, kung kaya ang simpleng pagbibigay ng taos pusong pasasalamat ay nararapat lamang na ibigay para sa kanila.




Interactive Whiteboard sa Itaas Elementary School

Bilang bahagi ng K-12 program, ang pagkakaroon ng mas-malawak at makabagong pamamaraan ng pagtuturo ay isinusulong ng ating lokal pamahalaan.

Noong October 3, 2014 tuluyan ng ibinigay ng USL TEK Inc. sa pangunguna ni Mr. Bernard Viola ang Marketing Manager nito, ang kauna-unahang Interactive Whiteboard sa grade 3 section 1 ng Itaas Elementary School .

Sa pagtutulungan ng Parents Teachers Officer ng Grade 3 Section 1, KAISA, Office of Atty. Raul Corro at ng USL TEK ay nailunsad ang isang napakagandang programa na makakatulong sa mga guro at mga estudyante ng paaralan na magkaroon ang mga ito ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Ang Interactive Whiteboard ay nakakadagdag ng partisipasyon ng mga bata sa kanilang group discussion at maging sa kaalaman sa makabagong teknolohiya.  Malaking tulong din ito sa mga guro kapag sila ay mag-pepresent ng mga pictures, graphs, Spreadsheets at maging ng mga teksto mula sa Microsoft Word File.

Ito ang kaunaunahang Interactive Whiteboard na ngayon ay nagagamit na ng mga guro at mga estudyante nito sa kanilang pag-aaral.

Ang pamahalaang local ay naninindigan na ang edukasyon ay ang pinakamahalagang yaman ng bawat Muntinlupeños. Sa K to 12 ang bawat Muntinlupeños ay equipped sa pag-unlad sa sarili, pamilya at maging ng buong Lungsod.