Ang papanatili ng kalinisan at
kaayusan ng ating mga historical sites ay binibigyan ng higit na pagpapahalaga
ng ating pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime
R. Fresnedi.
Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang
Lake Management Office sa pamumuno ni Mr. Valentino Niefes sa pakikipagtulungan
ng ESC na pinamumunuan naman ni Ms. Lorna Misa sa Jamboree Lake, NBP
Reservation Barangay Poblacion Muntinlupa City Misa noong November 19, 2014.
Ang taglay na kagandahan ng lugar
ay naging mas-higit na kapansin-pansin sa ginagawang pangangalaga ng ating mga
historical sites, dahil layunin ng ating butihing Mayor na maging isang tourism
destination ang ating lungsod sa metro south.
Nangunguna ang ESC at Lake Management Office at maging ang City Engineering Office sa pagpapanatili ng kalinisan nito. Hinihikayat ang bawat isa na ito ay pangalagaan.
No comments:
Post a Comment