Masayang sinalubong ng City
Government of Muntinlupa sa mabuting pamumuno ni Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ang
mahigit kumulang sa sampung libong mga siklista na dumaan sa East Service Road
to Alabang Zapote Road noong November 23, 2014 bilang pagsuporta sa
kaunaunahang National Bicycle Day sa bansa at tanda ng pinaigting na kampanya
sa malusog na pangangatawan at greener environment.
Pinangunahan ng Environmental
Protection and Natural Resources Office sa lungsod na pinamumunuan ni Mr. Ariel
Dolleton ang pagsalubong sa mga ito kasama ang iba’t ibang mga tanggapan tulad
ng MTMB, POSO, CSO, at Muntinlupa Police Station.
Halos isang oras din ang itinagal
ng mga siklistang nagdaan sa lungsod.
Ang mga programang pangkalusugan at pangangalaga ng ating kalikasan ay higit na sinusuportahan ng ating Punong Lungsod alinsunod sa kanyang walong puntong programa. Dahil, Yan ang tama! Yan ang Muntinlupa!

No comments:
Post a Comment