Ang mga empleyado ng City
Government of Muntinlupa na na-isyuhan ng mga motorsiklo ay pinadalo sa isang
seminar workshop noong December 4, 2014 sa Muntinlupa Sports Complex tungkol sa
Responsible Riding.
Pinangasiwaan ng Kawasaki School
for Responsible Riding (KSRR) ang nasabing programa sa gabay ni KSRR Instructor
Vergilo De Jesus.
Nagbigay ng mahahalagang paalala
sina City Administrator Engineer Allan Cachuela, Dr. Edgardo Trozado ng City
Cooperative Office at Mr. Chito Valerio ng Records Office na maging masunurin
sa ating batas partikular sa ating batas trapiko at bilang isang empleyado ng
Pamahalaang Lungsod dapat maging isang mabuting halimbawa sa mga Muntinlupeño
upang maiwasan.
Tinalakay sa nasabing programa ang mga
sumusunod: Accident Report, Human Factor, Choosing Motorcycle, Safety Riding
Gears, Proper Riding Posture, Pre Riding Inspection, Riding Practice, Traffic
Rules and Regulations, Safety Driving Tips at Riders Responsibility.
Matapos ang seminar sinanay ang
mga kawani sa kung ano ang kanilang mga natutunan sa programa sa kung ano ang
mga dapat tandaan at gawin sa pag-gamit ng kanikanilang mga motorsiklo.
Bilang isang responsableng rider
dapat isaalang-ala ang kaligtasan at ang umiiral na batas trapiko upang
maiwasan ang ano mang problema sa lansangan.
Kawasaki Responsible Riding Program: Ang mga nasa larawan ay ang
Muntinlupa City Rescue Team, Mr. Chito Valerio of City Records Office (Naka
Purple) katabi si KSRR Marketing Manager Arnel Juco.
No comments:
Post a Comment