Naging matagumpay ang Super Liga na
ginanap sa Muntinlupa Sports Complex noong November 22, 2014 dahil ito sa
pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang panglungsod sa pangunguna
ng Gender and Development Office sa pamumuno ni Ms. Trina Biazon at ng Youth
Affairs and Development Office sa pamumuno ni Ms. Cynthia Viacrusis. Tampok
dito ang sagupaan ng Super Liga Teams tulad ng Mane and Tail Vs Petron Blaze sa
unang laban, at Generika Life Savers Laban sa RC Cola para sa ikalawang laban
at sa ikatlong laban ang sagupaan ng Cignal HD at ng Cavite.
Bago pa man magsimula ang sagupaan
ng mga tampok na kupunan ng Super Liga para sa araw na iyon, nauna na ang
sagupaan sa volleyball ng high school volleyball team ng La Salle at ng
Muntinlupa Business Science High School. Tagumpay naman ang La Salle sa Score
na 3 Sets Win – 0 ng MBSHS.
Sumunod naman ang laban sa pagitan
ng San Beda College Aabang at ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. Tulad sa
naunang laban nagwagi ang San Beda College of Alabang sa 3 sets Win – 0 kontra
sa PLMun.
At ng dumating ang mga tampok na
laban sa araw na iyon dumagsa ang mga tao sa venue at hindi magkamayaw ang mga
volleyball fans sa pagsuporta sa kanikanilang teams.
Wagi naman ang Petron Blaze kontra
sa Mane N’ Tale sa unang laban. Nagwagi
naman sa ikalawang laban ang Generika kontra sa RC Cola. Napagtagumpayan naman
ng Cignal HD ang ikatlong laban sa pagitan ng Cavite.
Ang pamahalaang lungsod ng
Muntinlupa sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi ay
nagbibigay ng kasiyahan para sa bawat Muntinlupeño. Isa lamang ang mga ganitong
Gawain upang mag-bigay ng inspirasyon sa mga Muntinlupeño na mahilig sa sports activities.
Pinasasalamatan din ang mga tanggapan na nakiisa sa nasabing programa: Mayor's Office, City Admin., Engineering, POSO, MTMB, PNP, GSO, PIO, MOTORPOOL, MCMAO, DRRMO, CHO.
More Photos Click Here!
More Photos Click Here!
No comments:
Post a Comment