Tuesday, December 2, 2014

Barangay Justice – System Seminar Noong Nobyembre 28, 2014


Ang maging mas-epektibo at mas-mabilis na pagsasaayos ng mga kaso na naitatala sa mga Barangay ang naging layunin ng isinagawang Barangay Justice – Seminar noong November 28, 2014 sa Audio Visual Room, Muntinlupa City Hall, na dinaluhan ng mga Lupon Tagapamayapa ng siyam na Barangay sa ating Lungsod.

Ang Integrated Bar of the Philippines Rotary (Pasay – Parañaque – Las Piñas – Muntinlupa Chapter) na pinamumunuan ni Atty. Emma G. Jularbal ang nanguna sa pagsasagawa ng nasabing seminar kasama sina Atty. Marlin F. Velasco, Atty. Antonio B. Manzano, Atty. Paul Jomar S. Alcudia, Atty. Florante B. Legaspi, Jr., Atty. Danny L. Gapasin, Jr., Atty. Marilyn Velasco, Atty. Rick Moldez, Atty. Eleonor T. Hernandez, at mga rotary club, katuwang din ang ating Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi sa pamamagitan ng City  Legal Office na pinamumunuan ni Atty. Genalyn Estrera.

Tampok sa nasabing seminar ang usapin sa Violence Against Women and Children o VAWC na pinangasiwaan ng mahusay na tagapagsalita ng seminar na si Judge Elisa Sarmiento – Flores.

Ipinaliwanag din dito ang mga nararapat gawin o isaalang-ala sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) upang maiwasan ang paglabag sa karapatan ng mga bata. Ipinaliwanag din dito ang tamang pagbibigay ng mga protection order at pagpapaliwanag ng mga dapat at hindi dapat gawin sa mga kasong naitatala o ang proper case dispositions.

Ang Integrated Bar of the Philippines Rotary at ang Lungsod ng Muntinlupa ay magkatuwang sa pagbibigay ng sapat at tamang  serbisyo para sa Muntinlupeños. Dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!


Nagbigay ng pambungad na pananalita si Atty. Genalyn Estrera (Left) sa Barangay Justice- Seminar noong November 28, 2014 kasama si Atty. Emma G. Jularbal (Middle) at si Judge Elisa Sarmiento- Flores ng Pasig City Regional Trial Court.


No comments:

Post a Comment