Ang Early Childhood Education
Division (ECED) ay nagsagawa muli ng Parent’s Congress sa Southville 3,
Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong December 6, 2014 na dinaluhan ng 800
na mga magulang.
Tinalakay dito ang Positive
Parenting na pingasiwaan ni Mr. Bernard Marquez, at maging ang Childrens Rights
na pinangasiwaan ni Ms. Reina Hilapo.
Nagbigay din ng ilang mahahalagang
mensahe sina Former City Congressman Ruffy Biazon, Councilor Atty. Patricio
Boncayao Jr., Councilor Atty. Raul Corro, Dr. Edgardo Trozado pinuno ng tanggapan
ng City Cooperative, at maging ang pinuno ng tanggapan ng Gender and
Development Office na si Ms. Trina Biazon.
Labis ang kagalakan ng mga
nagsipagdalo dahil sa kanilang mga natutunan sa programa, dahil hindi lamang
nabusog ang kanilang mga isipan sa kaalaman ay nagkaroon din ng kaunting
salo-salo at mga raffle prizes para sa kanila.
Ang nasabing programa ay ang
pangatlong Parent’s Congress para sa taong 2014, at inaasahan pa na magkakaroon
pa muli ng mga ganitong gawain para sa darating na taon. Ito ay dahil sa
suportang ibinibigay ng mga tanggapan tulad ng Gender and Development Office at
ng Social Services Department na kinabibilangan ng ECED kung kaya ito ay naging
masmatagumpay.
Ang Pamahalaang Lungsod sa Pamumuno
ni Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ay patuloy sa pagbibigay ng mga programang naglalayong
mapabuti ang kapakanan ng mga Muntinlupeño, lalong-lalo na ang pagpapatibay ng
samahan o relasyon ng bawat pamilya. Dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!
Parent’s Congress: Iginawad sa
tagapagsalita ng Programa (Positive Parenting) na si Mr. Bernard Marquez ang
Certificate of Recognition ni Ms. Maricel Dacuycuy ang pinuno ng ECED noong
December 6, 2014 sa Southvile 3, Barangay Poblacion Muntinlupa City.
More Photos Click Here!
More Photos Click Here!
No comments:
Post a Comment