Marami ng mga programa ng ating
lokal na pamahalaan ang naisakatuparan para sa bawat Muntinlupeños.
Sa pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon
pinasinayaan ang kauna-unahang Bakery sa
lungsod na para lamang sa mga minamahal nating mga SpEd students ng Muntinlupa Elementary School
sa loob mismo ng nasabing paaralan, na sinuportahan ng faculty members nito at
ilang kawani ng ating lokal na pamahalaan tulad ng Social Services Department
at ng DepEd, kasama ang Special Education Division.
Ang programang ito ay
naisakatuparan sa pamamagitang ng inisyatibo ni Ginoong Marcelo N. Argana
bilang SpEd Coordinator ng MES, Principal ng MES na si Florante C. Marmeto Ed.,D.,
at mga guro, DepEd, DSWD, mga estudyante ng PLMun at higit sa lahat ang lokal
na pamahaalan ng Muntinlupa sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Jaime R.
Fresnedi.
Ayon kay Ginoong Marcelo N. Argana
nagbigay daan sa programang ito ng nagkaroon siya ng pagkakataong mabasa ang R.A. 7277 o
mas-kilala bilang “Magna Carta for Disabled Persons” kung saan Nasasaad dito ang
pagkakaroon ng sheltered programs para sa mga taong may kapansanan o PWD, dahil
dito nagkaroon sya ng inspirasyong pangunahan ang ganitong programa dahil sa labis
nuyang pagpapahalaga sa mga Batang may “K”.
Itinatag ang bakery upang
makatulong sa mga bata na magkaroon sila ng mga bagong kaalaman at kakayahan
kung paano sila makakatulong sa kumunidad at para rin ito sa kanilang sarili na
maka-survive sa buhay. Sa katunayan mayroon na silang sampung natatanging SpEd
Students na makakatuwang ng mga guro sa pangangasiwa ng programang ito.
Isa lamang itong pamamaraan ng
alternatibong pag-tuturo sa mga bata na matuto ng basic counting addition and
subtraction, at kung paano sila mag-market ng mga produkto. Kasabay ng
pagbubukas ng pandesalan sa MES ang pagdaraos ng maiksing programa gaya ng Mr.
and Ms. Nutrition Month at feeding Progra.
Sa pag-bubukas ng “PANDESALAN SA
MES” ang mga “Batang may K” ay nagkaroon ng bagong oportunidad upang kanilang
maipamalas ang kaya nilang gawin upang makatulong sa ating kumunidad.
Maituturing isa sa Best School
Project of SpEd Center ang programang ito para sa ating mga Sped Students. At
isang katibayan ito na ang bawat Muntinlupeños ay mahalaga sa kaunlaran ng
lungsod.
No comments:
Post a Comment