Bakas ang kasiyahan sa mga
nagsipagdalong mga magulang sa Positive Parenting Seminar ng Gender and
Development office noong August 2, 2014 na ginanap sa Audio Visual Room
Muntinlupa City Hall. Dumalo ang mahigit dalawang daan na mga magulang ng mga
estudyante ng College of Criminal Justice ng Pamantasan ng Lungsod ng
Muntinlupa.
Bilang suporta sa programa ng GAD
na pinamumunuan ni Ms. Trina Biazon dumalo ang OIC ng Pamantasan ng Lungsod ng
Muntinlupa na si Dr. Ellen Presnedi at ang Dean ng College of Criminal Justice
na si. Dr. Herardo Marinay at mga professor ng kolehiyo.
Ayon sa tagapagsalita ng programa
na si Mr. Bernard Marquez at ang asawa nito na si Mrs. Ivy Marquez hindi
dahilan ang lugar kung saan nakatira ang pamilya sa pagkakaroon nito ng
magandang pag-uugali bagkus nasa wastong sistema ito ng pagmamagulang.
Layunin ng programa na turuan ang mga magulang
kung paano nila mauunawaan at mapapalaki ang kanilang mga anak ng maayos at may
pag-galang sa kanilang mga magulang. Ang pag-mamagulang ay isang relasyon sa
mga anak at dapat may regulasyong malinaw, consistent at maayos. Dahil dito ang
pamilyang may maayos na sistema at may kaalaman sa responsible parenthood ay
magdudulot ng kanais nais na kumunidad.
No comments:
Post a Comment