Tuesday, August 19, 2014

Livelihood Oppurtunities for Familypreneurship thru Entrepreneurial Capability Building, Manufacturing Business

“To increase food production and family income thru livelihood opportunities for familypreneurship” ayan ang vision ng tanggapan ng Extension Services office / Clean and Green Department of Agriculture City Government of Muntinlupa sa kanilang mga serbisyo sa ating lungsod.

August 12, 2014 Naganap ang 1 day Livelihood Opportunities for Familypreneurship thru Entrepreneurial Capability building and Manufacturing Business workshop sa 2nd floor Main building AVR Muntinlupa City, na nilahukan ng 150 indibidwal na kinatawan ng iba’t ibang organisasyon sa ating lungsod tulad ng Senior Citizens group sa Barangay Poblacion at Southville 3, maging ang mga homeowners association sa Sitio Pagkakaisa Millenium Homeowners, at  iba pa.

Ito ay isa sa mga programa ng Gender and Development Office na pinamumunuan ni MS. Trina Biazon katuwang ang Extension Services office of Department of Agriculture ng City of Muntinlupa sa pangunguna naman ni Ms. Lilibeth Deloso at higit sa lahat ang ating local na pamahalaan sa mabuting pamumuno ni Punong Lungsod Atty. Jaime Fresnedi. Sa pamamagitan ng programang ito ay marami sa ating mga kababayan ang magkakaroon ng karagdagang trabaho na makakasuporta sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

Ang workshop na ito ay may layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman at kakayahan sa makabagong teknolohiyang pangkabuhayan ang mga existing business owners at potential Businessman ng lungsod at  ang mga maliliit na negosyo o micro entrepreneurs. Sa ganitong paraan ang bawat lumahok ay magkaroon ng karagdagang kita ang pamilya at makakatulong sa pag-unlad ng ating lungsod.

Itinuro sa workshop na ito ang manufacturing process, records keeping, profit and loss statement and cash budgeting. Isang real time practice o pagsasabuhay ng market place ang ginawang pamamaraan ng Extension Services Office upang mas-maunawaan at maging pamilyar ang mga nagsipaglahok sa tunay na kalakaran sa negosyo.

Sa araw na iyon natutunan din ng mga participants ang “Home Fan Production” na mula sa raw materials hanggang sa maging isang produktong maibebenta sa mga pamilihan. At tinatayang mayroong nagagawang isang pamaypay kada isang trained individual.

Isa lamang ito sa mga itinuturo ng nasabing tanggapan bagkus madami na silang mga naituro at sa ngayon ay marami na din ang nagnenegosyo ng kanilang mga produkto gaya ng Boneless Bangus, Rellenong Bangus, Soft Bone Bangus, Bottled Bangus, Tinapang Bangus, Fishball, Puto Pao, Liquid Dishwashing, Fabric Conditioner, Puto Cheese, kutchinta, Pulboron, Peanut Butter, Coco Jam, Atchara, Tocino, siomai, longanisa, Coco Burger at Perfume.

Ang mga programang pangkabuhayan ay nagbibigay ng panibagong pag-asa sa bawat mamayan ng Muntinlupa at sa mga taong nagnanais na magkaroon ng magandang buhay sa sariling pagsusumikap. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang pag-asenso ng bawat Muntinlupeños ay makakamtan.

No comments:

Post a Comment