Thursday, July 31, 2014

BHW DISASTER PREPAREDNESS SEMINAR

Nagpapahayag ng mensahe si Mayor Jaime R. Fresnedi sa 400 Barangay Health Workers na umattend sa naganap na BHW Disaster Preparedness Seminar.


Sunod-sunod ang pag-kakaroon ng Disaster Preparedness Seminar sa iba’t ibang kawani ng ating lokal na pamahalaan. Kamailan naganap ang seminar sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas, Quezon City na pinaunlakan naman ng tanggapan ng City Health Office.

Nitong nakaarang lunes July 27, 2014 ginanap ang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Seminar sa Expo Trade Hall, Filinvest Alabang, Muntinlupa City na dinaluhan ng halos 400 na Barangay Health Workers sa siyam na Barangay ng ating Lungsod upang magkaroon sila ng sapat na pang-unawa sa epekto ng kalamidad at pagkakaroon ng mga wastong kahandaan sa mga ito.

Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa sa tulong ng ating lokal na pamahalaan kasama ang ibat ibang tanggapan  nito tulad ng Gender and Development Office na pinamumunuan ni Ms. Trina Biazon, City Health Office na pinamumunuan ni Dr. Magdalena Meana, Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni Ms. Analyn Mercado at higit sa lahat ang tanggapan ni Congressman Rodolfo Biazon .

Dinaluhan ito ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi, Former Commissioner Ruffy Biazon bilang kinatawan ni Congressman Rodolfo Biazon, Majority Floor Leader Atty. Patricio Boncayao Jr., Councilor Louie Arciaga, Ms. Trina Biazon, Dr. Magdalena Meana at Ms. Analyn Mercado bilang tanda ng higit na pag-suporta sa ganitong gawain.

Tinalakay ng tagapag-salita ng seminar na si Ms. Amy Daura M. Gumboc, OIC – Training Division Office of Civil Defense , ang “Earthquake Hazards and  Role of Women in Disaster Risk Reduction”. Samantalang si Fire Officer 2 Christopher Cagol ng Special Rescue Unit of Bureau of Fire Protection ang “Fire Emergencies”.

Ang programang ito ay para sa bawat Muntinlupeño na magkaroon ng sapat na kaalaman sa kahandaan pag-dating sa panahon ng kalamidad. Layunin din ng programa na paigtingin ang kampanya sa kapabilidad ng kumunidad sa pag-tulong sa oras ng sakuna, upang maging handa ang bawat pamilya sa anumang magaganap.

Ang sapat na kaalaman at wastong pamamaraan sa mga panahon ng kalamidad ay ang pinakamainam na sandata upang makaiwas sa anumang panganib dulot nito.

No comments:

Post a Comment