Bilang isang estudyante napakahalaga ng pagkakaroon ng mga
seminars bilang pag-hahanda sa panibagong mundo sa pagtatapos ng kanilang
pag-aaral.
Nagkaroon ng LifeBox seminar noong July 31, 2014 sa Pamantasan
ng Lungsod ng Muntinlupa Audio Visual Room, na dinaluhan ng mahigit 150
students ng College of Arts and Sciences sa pagtutulungan ng LifeBox , Gender
and Development (GAD) Office at PLMun pang mapaunlad ang kanilang kaalaman kung
paano sila makakatulong sa kanilang kumunidad na kinabibilangan.
Ang Seminar na ito ay pinangunahan ng Gender and Development
Office at sinuporthan naman ito ng PLMun. Naroon din si Ms. Trina Biazon ang
pinuno ng tanggapan ng GAD upang mag-bigay ng mensahe sa mga estudyante kung
gaano kahalaga ang seminar na iyon para sa kanila.
Ang LifeBox ay isang nationwide campus organization na nagpapahalaga
sa pagkakaroon ng kahandaan ng mga estudyante sa buhay. Naniniwala ang LifeBOX
na ang bawat indibidwal ay may potential na maging isang leader kung kaya
tinuturuan nila ang mga estudyante sa iba’t ibang paaralan upang maging isang
Servant Leaders.
Ang mga tagapagsalita ng nasabing seminar ay sina, Ginoong
Edrei Canda LifeBox Director for Metro South at si Ginoong David Bernardo
LifeBox Director of Muntinlupa. Tinalakay nila ang Leadership, Integrity, Faith
and Excellence. At ang bawat paksa ay binigyan ng mahusay na pag-papaliwanag at
partisipasyon ng bawat estudyanteng dumalo.
Nauna namang dumalo ang College of Teacher Education, College
of Business Administration at college of Arts and Sciences nitong July 31 sa
parehong seminar sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, susunod naman ang College
of Criminal Justice at College of Information Technologies and Computer Studies
sa mga susunod na lingo.
Layunin ng seminar na ito na ihanda
ang mga estudyante sa kanilang buhay matapos ang kanilang pag-aaral at
haharapin ang kani-kanilang mga buhay at higit sa lahat sila ang magiging susi
sa pagiging inspirasyon ng bawat kabataan bilang isang LIFE coach.
No comments:
Post a Comment