Nagkaroon ng Career Assesment sa
Pedro E. Diaz High School noong nakaraang lingo sa covered court ng nasabing
paaralan na dinaluhan ng may kabuoang bilang na 1,700 na estudyante na nasa
ikaapat na taon na magsisipagtapos sa darating na Marso.
Hinati ang 1,700 na estudyante sa
magkakaibang session bawat araw sa umaga at hapon. Bawat cluster ay may
katumbas na bilang na 250 studyante at sa buong araw ay may total na 500
students ang dumalo sa ganitong gawain.
Sa programang ito ng Public
Employment Services Office, inihahanda ang mga estudyante sa kanilang mga
pipiliing mga kurso pag-pasok ng kolehiyo. Naimbitahan ang ilang mga tagapag
salita mula sa Christ the King na sina Ms. Glen Rose yason at Jhoenny A.
Tablesa Marketing Officer, Mr. Ramil
Maranan ng TESDA at si Mr. Jojo Pineda ng Peso.
Tinalakay dito ang personality development, Technical and Vocational Course by TESDA at career orientation bilang paghahanda sa kanilang kukuning kurso o trabaho.
No comments:
Post a Comment