Tuesday, August 19, 2014

Muntinlupa Waste Analysis and Character Survey



Isa sa Walong Puntong Programa ni Mayor Jimmy R. Fresnedi ang “Environment, at Clean and Green”, bahagi dito ang pagpapanatili ng kalinisan sa buong lungsod, tulad ng  pagtatapon ng basura sa tamng tapunan, paghihiwalay ng mga basura at para naman sa environment ay ang patuloy na pagtatanim sa buong lungsod.

Ang basura ay maituturing isa sa pangunahing problema ng bansa, at maging ng mga syudad sa Metro Manila. Nagsagawa ang Environmental and Sanitation Center ng apat na araw na programang makakatulong upang mabawasan ang dami ng basura at magkaroon ng kaayusan sa pagtatapon nito.

Ginanap ang Waste Analysis and Characterization Survey sa pangunguna ng DILG at ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at sa pakikipag-ugnayan ng MMDA noong August 18 – 21, 2014 sa Phase 2 Covered Court, Sto. Niño Village, Tunasan, Muntinlupa City.

Ayon kay Engineer Rodolfo W. Moldez OIC ng ESC; layunin nitong mapag-aralan ang bilang o dami ng basurang ating itinatapon araw-araw na nagmumula sa iba’t ibang sektor ng ating lungsod at kung paano ito mababawasan. Ito din ay isang hakbang upang makabuo ng 10-year Waste Management Plan.

Naglaan ang DILG ng 200,000 Pesos upang matugunan ang pangangailangan ng nasabing programa. Sinoportahan din naman ito ng iba’t ibang tanggapan ng ating lokal na Pamahalaan tulad ng City Health Office, City Planning and Development Office, EPNRO, LMO, Engineering Office at ng mga Kabalikat sa kalinisan.

Ang mga nakulektang basura ay dumaan sa proseso tulad ng Classification/Weighing, Mixing/Quartering/Weighing, Sorting, Weighing of sorted waste, Encoding/Recording and segregation according to recyclables, biodegradables and residuals, hango ang pamamaraang ito sa  JICA o Japan International Cooperation Agency with the supervision of woodfields Consultant Inc. at ng MMDA, sa ganitong paraan nababawasan ang bilang ng basurang ating itinatapon araw-araw.


Ang pagkakaroon ng wastong kaalaman sa pagtatapon ng basura ay mainam na paraan upang mabawasan ang mga basurang ating itinatapon na maaring maging sanhi ng mga pagbaha, karamdaman at di kaaya-ayang kapaligiran, ito din ay upang mapanatili ang kalinisan sa ating kumunidad.

No comments:

Post a Comment