Hindi hadlang ang kapansanan sa
mga taong determinadong magkaroon ng normal na pamumuhay. Ito ay pinatunayan ng
ilan sa mga kababayan nating MuntinlupeƱo na nakiisa sa programa ng DSWD para
sa mga PWD bilang isang host city ngayong taon sa nakalipas na PWD Skills
Competition 2014 nitong July 25, 2014, na dinaluhan ng halos 200 daang PWD sa
ibat ibang lungsod sa Metro Manila tulad ng, Valenzuela, Pasig, Makati, Las
PiƱas, Mandaluyong, Quezon City at Caloocan, na ginanap sa SM Center
Muntinlupa.
Ito ay programa ng DSWD-NCR
kasama ang National Council of Disability Affairs (NCDA) at Pamahalaang Lokal
kasama si Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi at ilang mga LGU’s sa
Muntinlupa. Ang nasabing programa ay nagkaroon ng ibat-ibang gawain na
nagpapakita na hindi papahuli ang ating mga kapatid na PWD sa kanilang mga
kakayahan sa Painting, Photography, Cake Decoration, Waste re-use, Cooking, Flower Arrangement at
ibat-ibang talento sa pag-awit at pag-sayaw.
Sinabi ni Ms. Nelia De Jesus,
Chief Technical Cooperative Division of NCDA, ginawa ang programang ito para sa
mga PWD bilang suporta sa taunang National Disability Prevention and
Rehabilitation Week, upang magkaroon ng unity at mapaunlad ang self esteem ng
bawat kalahok.
Ipinadarama lamang na ang pagpapahalaga para sa mga kapatid nating PWD, na sila ay minamahal at sinusuportahan ng ating Pamahalaang Panglungsod.
No comments:
Post a Comment