Katuwang ng lokal na pamahalaan
ng Muntinlupa ang Rayomar Outreach Foundation sa pagbibigay ng tulong sa mga
kababayan nating Muntinlupeños na nasalanta ng Bagyong Glenda.
Noong July 24, 2014 ay nagbigay
ng tulong ang Rayomar Outreach Foundation sa 150 families na nasalanta ng
Bagyong Glenda na lumikas sa mga evacuation centers na matatagpuan sa Sports
Complex Tunasan, Bayanan Elementary School ALS, Alabang Elementary School,
Mullet Covered Court Cupang at sa Brgy Buli Covered court noong kasagsagan ng
bagyong Glenda .
Ang Rayomar Outreach Foundation,
Inc. (ROFI) ay isang pribadong
Non-Profit Organization na accredited naman ng Philippine Council for NGO
Certificate (PCNC). Sila ay patuloy na nakapagpapabot ng tulong sa pamamagitan
ng pagkakaroon nila ng mga fund raising activities, Relief Operations, Feeding
programs, Medical and Dental Missions, Educational Assistance, Values Formation
and Social Development Programs at Housing and Health Programs para mga
kababayan nating hikahos sa buhay lalong lalo na sa mga kabataan.
Ayon kay Ms. Cherry Bautista
kinatawan ng ROFI,”We work hand on hand with the City Government of Muntinlupa
because some of our Businesses are also located in our City at ang Muntinlupa
din ang isa sa pinakamatinding tinamaan ng bagyong Glenda at marami sa ating
mga kababayan ang lubhang naapektuhan nito kung kaya hindi nag-atubiling
tumulong ang ROFI” sa Muntinlupa”.
No comments:
Post a Comment