Monday, July 28, 2014

CPDO PRE-PLANNING WORKSHOP




Tuloy tuloy ang mga programa ng ating pamahalaang lokal sa pagsasagawa ng mga development projects para sa ating lungsod.

Ginanap noong Hulyo 24 at 24 ang Pre-Planning Workshop sa Qaldi Coffee Bar Putatan Muntinlupa City na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa upang mabawasan ang mga proyektong hindi napag planuhan ng maayos at mapaghandaan ang mga susunod na proyekto sa mga susunod na taon.

Dumalo din sina Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi at si City Administrator Engineer Allan Cachuela bilang bahagi ng unang cluster ng Administrative/Finance/Economic.

Ayon sa City Planning and Development Office (CPDO) ang programang ito ay ginanap upang lahat na proyektong gagawin ng bawat departamento ay mailinya ng maayos sa plano ng bawt isa, ng sa gayon mabawasan o makontrol ang pagkakaroon ng mga biglaang proyekto na hindi napagplanuhan ng maayos at ito din ay isang paghahanda sa Planning Summit na gaganapin ngayong darating na Oktubre.

Ang maagang pagpaplano ng lokal na pamahalaan para sa mga susunod na taon ay tanda ng isang progresibong lungsod na tumatahak sa tuwid na landas. 

No comments:

Post a Comment