Barangay Ayala Alabang Report Summary:
Alinsunod sa Department of
Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2015107
iprinisinta ng Barangay Ayala Alabang
Information Officers noong October 12, 2015 ang kanilang mga naging
accomplishment sa loob ng anim na bwan mula Enero hanggang Hunyo 2015 sa
ginanap na regular na Information Officers meeting.
Naging masigasig ang nasabing
Barangay sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga serbisyo at proyekto na alay sa
kanilang mga nasasakupan.
Sa pagpasok ng taong 2015 ang taunang Business
Permit Renewal ang kanilang tinutukan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
representatives ang Barangay Alabang na makakatulong upang mapabilis sa pagkuha
o pagrenew ng mga business permit para sa kanilang Barangay. Naglungsad din
sila ng mga ordinansa, isa na dito ang Cat Trapping and Dog Ordinance.
Katuwang ng pamahalaang lungsod ang bawat barangay sa pagbibigay ng
mga mabubuting serbisyo at programa na makakatulong sa maayos na pamumuhay ng
bawat Muntinlupeño, sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng mga medical services tulad
ng, Free Medical Exams, Medical
Orientation – Psychological First Aid, Blood Letting Activity, Operation Tuli, Free
Memory Screening for the senior Citizens, Free Flu Vaccine and Blood Sugar
Screening, maging ang kanilang mga alagang hayop ay nabibigyan din ng serbisyo
tulad ng naisagawang Anti-Rabies Dog Day Event.
Bukod sa medical services,
binibigyan din nila ng pansin ang pagpapaunlad ng kakayahan at kasanayan ng mga
Muntinlupeñong naninirahan sa kanilang Barangay, tulad ng; Fire Prevention
Talk, Disaster Prepareness, Educational Talk at nagkaroon din ng Inspection of
Putatan Water Plant – Source of Water of Ayala Alabang Residents upang
magkaroon ng karagdagang kaalaman at mapanatili ang kalinisan ng water source.
Nagsagawa din ng mga sports clinic para sa mga
kabataan at maging sa mga senior s citizens tulad ng, Summer League, Swimming
Lesson, Ultimate Frisbee, Volleyball Clinic and Gold Tournament naman para sa
mga senior Citizens.
Katuwang din ang nasabing
barangay sa pangangalaga ng ating kalikasan, kaakibat ng kanilang mga
infrastructure projects and services nanakakatulong sa pagpapanatili ng malinis
na kapaligiran gaya ng paglalagay ng Solar Light at pag-gamit ng Electronic
Jeep sa kanilang lugar.
Ipinapakita ng Barangay Ayala
Alabang ang kanilang maayos na pagseserbisyo para sa kanilang mga nasasakupan,
dahil ito sa kanilang paniniwala na posibleng maabot ang maayos na pamumuhay ng
bawat isa kung sila ay sama-samang nagtutulungan, dahil “kayang-kaya kung
sama-sama”.
Barangay Ayala
Alabang: January to June “KAYANG-KAYA PAG SAMA-SAMA”
January:
1.
Business Renewal
2.
Cat Trap and Dog Ordinance
3.
Razor Wire Turn-Over to AAVA
February:
1.
Medical Orientation – Psychological First Aid
2.
Free Medical Exams
3.
Cultural / Valentine Celebration
4.
Acquisition of Payloader
March:
1.
Blood Letting
2.
Day Care Recognition
3.
Fire Prevention Talk
4.
Meeting of the neighborhood Disaster
Coordinating Council
April:
1.
Installation of Solar Light at Acacia Gate
2.
Free Memory Screening for the senior Citizens
3.
Summer League
4.
Swimming Lesson
5.
Basketball Clinic
6.
Ultimate Frisbee
7.
Volleyball Clinic
8.
Operation Tuli
9.
Maintenance and Management of Basketball Courts
10.
Green Garbage Collection
11.
Cultural – Easter Egg Hunt
May:
1.
Free Flu Vaccine and Blood Sugar Screening
2.
Pacquiao Fight Screening Showing
3.
Educational Talk – Importance of Play
4.
E-Jeep Trial
5.
Anti-Rabies Dog Day Event
June:
1.
Muntinlupa Rescue Seminar
2.
Alternative Learning System
3.
Opening of Classes of Ayala Alabang Day Care
Center
4.
Golf Tournament for Senior Citizens
5.
Inspection of Putatan Water Plant – Source of
Water of Ayala Alabang Residents