Monday, April 20, 2015

Pantawid Pamilyang Pilipino Programs (4P’s)


Mahigit sa 1,300 na pamilyang Muntinlupeño ang nabigyan ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD – NCR sa pakikipag tulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi , Congressman Rodolfo Biazon at Social Services Department noong Abril 15, 2015 sa City Hall Quadrangle.

Ang programang ito ng pamahalaan ay naka desenyong maabot ang mga pamilyang hikahos sa buhay na mayroong anak na edad 0-18 taong gulang ,upang matulungan ang mga ito sa kanilang pag-aaral at kalusugan.

Ang bawat pamilyang kwalipikado sa programa ay tumatanggap ng conditional cash transfer scheme na kaparehong ginagawa sa ibang maunlad na bansa.

Layunin din nito ang pag-sugpo sa matinding kahirapan at gutom, maachieve ang universal primary education, promote gender equality, reduce child mortality at ma-improve ang maternal health.

Ang pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa bilang pakikiisa sa layunin ng programang ito ay naglulunsad rin ng iba’t ibang programa at serbisyo para sa ating mga kababayang hikahos sa buhay, katulad na lamang ng programang dagdag puhunan, Livelihood programs at maging paglulunsad ng mga trainings and seminars na makakatulong upang magkaroon sila ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa buhay.




No comments:

Post a Comment