1st place ang Muntinlupa
City Rescue sa kaunaunahang MMDA Rescue Olympics na ginanap noong Hunyo 2, 2015
sa Quirino Grandstand, Luneta Park, Lungsod ng Maynila na nilahukan ng 17 LGU
kasama ang ating lungsod.
Ang nasabing programa ay
pinangunahan ng Metro Manila Development Authority o MMDA na pinamumunuan ni
Chairman Francis Tolentino, na may layuning, maipakita at maibahagi ang iba’t
ibang kakayahan ng mga rescue teams at maging ang pagpapatibay ng magandang
samahan at kooperasyon ng bawat isa.
Inihahanda din ang mga kalahok na
rescue teams sa posibleng pagdating nga mga kalamidad tulad ng malakas na
lindol at iba pa.
Tinanghal na Champion ang Lungsod
ng Pasig, na sinundan naman ng Lungsod ng Muntinlupa, at ng Lungsod ng
ParaƱaque.
Pinatunayan lamang ng Muntinlupa
City Rescue, na ang ating lungsod ay hindi magpapahuli at patuloy na
pinalalakas ang mga serbisyo para sa MuntinlupeƱo ito ay dahil sa mabuting
pamamahala ni Mayor Fresnedi.
Ang Muntinlupa City Rescue Team
kasama si MMDA Chairman Francis Tolentino sa 1st MMDA Recue Olympics
sa Quirino Grandstand, Luneta Park, Lungsod ng Maynila.
No comments:
Post a Comment