Monday, July 6, 2015

Mga Paghahanda ng Muntinlupa City sa Buwan ng Nutrisyon



Kasama ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang National Nutrition Council sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health, maging ang iba’t ibang ahensiya at mga lokal na pamahalaan ukol sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa buong bansa.

Suportado naman ni Mayor Fresnedi ang mga ginagawang paghahanda ng Muntinlupa sa pamamagitan ng City Nutrition Committee at ng City Health Office sa Pangunguna ni Dr. Magdalena Meana.

Ngayong Hulyo ng taon ay ipinagdiriwang ang ika 41st Nutrition Month na may temang “Timbang iwasto, sa tamang nutrisyon at ehersisyo!” o “Achieve normal weight through proper nutrition and physical activity”.

Ang Nutrition Month ay isinasagawa upang maslubos na mapalaganap ang kaalaman ng mga Pilipino sa kahalagahan ng nutrisyon  at mga pisikal na gawain upang maiwasan at maayos ang sobrang pagtaas o labis na pagbaba ng timbang ng iba’t-ibang edad ng ating mamayan.

Narito ang mga programang nakahanda para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon;





Hinihikayat ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ang mga Muntinlupeño na makiisa sa mga gawaing makakatulong sa kalusugan ng bawat isa, dahil, ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay isa sa mga dahilan kung bakit ang Muntinlupa ay patuloy sa pag-unlad.

No comments:

Post a Comment