Tuesday, December 9, 2014

Muntinlupa Responders!


Ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa  sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ay mahigpit na ipinatutupad ang kahandaan at seguridad ng mga Muntinlupeño sa panahon ng kalamidad.

Isa ang bagyong Ruby sa tinutukan ng ating punong lungsod kasama ang iba’t-ibang mga ahensya at mga tanggapan ng ating lungsod.

Matatandaan ang matinding pinsala ang tinamo sa ating mga imprastraktura noong mga nagdaang bagyo tulad ng bagyong Glenda na nalasa at sumira ng ilang mga government infrastructures tulad ng mga paaralan at maging ng mga sports facilities.

Kung kaya naman ang mga paghahanda sa lungsod ay mas-pinaigting at ang kapakanan ng bawat Muntinupeño ay masbinigyan ng agarang aksyon.

Malayo pa man ang bagyo ay nag-bigay na ng mga paalala at babala an gating pamahalaang lungsod sa ang ating mga kababayang naninirahan sa malapit sa lawa ng laguna na vulnerable sa pagbaha.

Magkasamang nag-sagawa ng pulong sina Congressman Rodolfo G. Biazon, Mayor Jaime R. Fresnedi, at City Administrator Engineer Allan Cachuela.

Lahat ng mga pinuno ng tanggapan ay may kanya-kanyang Barangay na tinutukan, nagsagawa din ng preemptive evacuation at monitoring sa kalagayan ng kanilang mga nasasakupan.

We are Ready! Pahayag ng mga department heads, bilang mga public servants. Bunga ng mga paghahandang ginawa, walang naitalang nasaktan o naapektuhan sa alin mang Barangay.

Kasama ang mga pinuno ng lahat ng tanggapan ng City Government of Muntinlupa ay patuloy ang pagsasagawa ng mga hakbang at mga pag-paplano upang maiwasan ang anumang magiging problema dulot ng anumang kalamidad gaya ng bagyong Ruby.

Ang pagiging isang disaster resilient ng lungsod ay sumasalamin sa maayos na pamumuno ng mga lider ng ating lungsod, pinuno ng mga tanggapan kasama ang mga masisipag na kawani nito, at mga mamayang may malasakit sa kapwa at higit sa lahat sa mabuting pamumuno ng ating butihing Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi. Dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinupa!







We are Ready! Hindi lang Boy Scouts ang laging handa sa pagtulong, pinatunayan ito ng mga opisyales ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ng agad ikasa ang kahandaan kay Typhoon Ruby.

Monday, December 8, 2014

Parent’s Congress December 6, 2014


Ang Early Childhood Education Division (ECED) ay nagsagawa muli ng Parent’s Congress sa Southville 3, Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong December 6, 2014 na dinaluhan ng 800 na mga magulang.

Tinalakay dito ang Positive Parenting na pingasiwaan ni Mr. Bernard Marquez, at maging ang Childrens Rights na pinangasiwaan ni Ms. Reina Hilapo.

Nagbigay din ng ilang mahahalagang mensahe sina Former City Congressman Ruffy Biazon, Councilor Atty. Patricio Boncayao Jr., Councilor Atty. Raul Corro, Dr. Edgardo Trozado pinuno ng tanggapan ng City Cooperative, at maging ang pinuno ng tanggapan ng Gender and Development Office na si Ms. Trina Biazon.

Labis ang kagalakan ng mga nagsipagdalo dahil sa kanilang mga natutunan sa programa, dahil hindi lamang nabusog ang kanilang mga isipan sa kaalaman ay nagkaroon din ng kaunting salo-salo at mga raffle prizes para sa kanila.

Ang nasabing programa ay ang pangatlong Parent’s Congress para sa taong 2014, at inaasahan pa na magkakaroon pa muli ng mga ganitong gawain para sa darating na taon. Ito ay dahil sa suportang ibinibigay ng mga tanggapan tulad ng Gender and Development Office at ng Social Services Department na kinabibilangan ng ECED kung kaya ito ay naging masmatagumpay.

Ang Pamahalaang Lungsod sa Pamumuno ni Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ay patuloy sa pagbibigay ng mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan ng mga Muntinlupeño, lalong-lalo na ang pagpapatibay ng samahan o relasyon ng bawat pamilya. Dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!



Parent’s Congress: Iginawad sa tagapagsalita ng Programa (Positive Parenting) na si Mr. Bernard Marquez ang Certificate of Recognition ni Ms. Maricel Dacuycuy ang pinuno ng ECED noong December 6, 2014 sa Southvile 3, Barangay Poblacion Muntinlupa City.

                                                            More Photos Click Here!

Friday, December 5, 2014

Responsible Riding Seminar Workshop


Ang mga empleyado ng City Government of Muntinlupa na na-isyuhan ng mga motorsiklo ay pinadalo sa isang seminar workshop noong December 4, 2014 sa Muntinlupa Sports Complex tungkol sa Responsible Riding.

Pinangasiwaan ng Kawasaki School for Responsible Riding (KSRR) ang nasabing programa sa gabay ni KSRR Instructor Vergilo De Jesus.

Nagbigay ng mahahalagang paalala sina City Administrator Engineer Allan Cachuela, Dr. Edgardo Trozado ng City Cooperative Office at Mr. Chito Valerio ng Records Office na maging masunurin sa ating batas partikular sa ating batas trapiko at bilang isang empleyado ng Pamahalaang Lungsod dapat maging isang mabuting halimbawa sa mga Muntinlupeño upang maiwasan.

 Tinalakay sa nasabing programa ang mga sumusunod: Accident Report, Human Factor, Choosing Motorcycle, Safety Riding Gears, Proper Riding Posture, Pre Riding Inspection, Riding Practice, Traffic Rules and Regulations, Safety Driving Tips at Riders Responsibility.

Matapos ang seminar sinanay ang mga kawani sa kung ano ang kanilang mga natutunan sa programa sa kung ano ang mga dapat tandaan at gawin sa pag-gamit ng kanikanilang mga motorsiklo.

Bilang isang responsableng rider dapat isaalang-ala ang kaligtasan at ang umiiral na batas trapiko upang maiwasan ang ano mang problema sa lansangan.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ay patuloy na naghahatid ng mga programang may pagpapahalaga sa kaligtasan ng bawat Muntinupeño. Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!




Kawasaki Responsible Riding Program: Ang mga nasa larawan ay ang Muntinlupa City Rescue Team, Mr. Chito Valerio of City Records Office (Naka Purple) katabi si KSRR Marketing Manager Arnel Juco.

                                                                     More Photos Click Here

Tuesday, December 2, 2014

Barangay Justice – System Seminar Noong Nobyembre 28, 2014


Ang maging mas-epektibo at mas-mabilis na pagsasaayos ng mga kaso na naitatala sa mga Barangay ang naging layunin ng isinagawang Barangay Justice – Seminar noong November 28, 2014 sa Audio Visual Room, Muntinlupa City Hall, na dinaluhan ng mga Lupon Tagapamayapa ng siyam na Barangay sa ating Lungsod.

Ang Integrated Bar of the Philippines Rotary (Pasay – Parañaque – Las Piñas – Muntinlupa Chapter) na pinamumunuan ni Atty. Emma G. Jularbal ang nanguna sa pagsasagawa ng nasabing seminar kasama sina Atty. Marlin F. Velasco, Atty. Antonio B. Manzano, Atty. Paul Jomar S. Alcudia, Atty. Florante B. Legaspi, Jr., Atty. Danny L. Gapasin, Jr., Atty. Marilyn Velasco, Atty. Rick Moldez, Atty. Eleonor T. Hernandez, at mga rotary club, katuwang din ang ating Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi sa pamamagitan ng City  Legal Office na pinamumunuan ni Atty. Genalyn Estrera.

Tampok sa nasabing seminar ang usapin sa Violence Against Women and Children o VAWC na pinangasiwaan ng mahusay na tagapagsalita ng seminar na si Judge Elisa Sarmiento – Flores.

Ipinaliwanag din dito ang mga nararapat gawin o isaalang-ala sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) upang maiwasan ang paglabag sa karapatan ng mga bata. Ipinaliwanag din dito ang tamang pagbibigay ng mga protection order at pagpapaliwanag ng mga dapat at hindi dapat gawin sa mga kasong naitatala o ang proper case dispositions.

Ang Integrated Bar of the Philippines Rotary at ang Lungsod ng Muntinlupa ay magkatuwang sa pagbibigay ng sapat at tamang  serbisyo para sa Muntinlupeños. Dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!


Nagbigay ng pambungad na pananalita si Atty. Genalyn Estrera (Left) sa Barangay Justice- Seminar noong November 28, 2014 kasama si Atty. Emma G. Jularbal (Middle) at si Judge Elisa Sarmiento- Flores ng Pasig City Regional Trial Court.


Monday, December 1, 2014

Jeepney Ride for Free November 25, 2014



Sinimulan na ang Trail Run ng Jeepney Ride for Free ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi sa Barangay Alabang Muntinlupa City na magbibigay ng libreng serbisyo para sa Muntinlupeños noong November 25, 2014.

Ang mga ito ay bumabyahe paikot sa Starmall Alabang, Alabang Viaduct at sa South Station Alabang.
Sa pangunguna ng Muntinlupa City Good Governance naisakatuparan ang isang napakagandang programa hatid ni Mayor Fresnedi sa mga Muntinupeño.


Ang Programang Jeepney Ride for Free ay  handa ng magbigay serbisyo mula sa December 1, 2014.




                                                                           More Photos Click Here!









SGHV Tree Planting November 25, 2014


150 Mahogany trees ang itinanim sa South Green Heights Village noong November 25, 2014 sa pangunguna ng AMKOR Philippines, Entertainment Safety and Health sa pakikipag –tulungan ng pamahalaang lokal sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi kasama ang mga tanggapan ng EPNRO na pinamumunuan ni Mr. Ariel Dolleton at ESC na pinamumunuan ni Ms. Lorna Misa, maging ang South Green Heights Village Homeowners Association sa pamumuno ni Atty. Jose Alfonso Gomos.

Sa pagtutulungan ng private sector at ng local government of Muntinlupa kitang kita ang mabilis na pagpapatupad ng mga programa tulad ng pangangalaga ng kalikasan tungo sa greener environment and cleaner air.

Layunin ng programang ito na maging Lungs of the City ang South Green Heights Village na makakapag-bigay ng malinis na hangin sa lungsod sa pamamagitan ng mga punong nakatanim dito.


Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaang lungsod ang pagkakaroon ng malinis na hangin sa lungsod ay hindi suntok sa buwan.



With Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi, Mr. Ariel Dolleton - EPNRO, Mr. Valentino Niefes - LMO, Ms. Lorna Misa - ESC, Dr. Edgar Trozado - CCO, AMKOR Philippines Representatives and Atty. Jose Alfonso Gomos - President SGHVHOA

                                                                 More Photos Click Here!







National Bicycle Day November 23, 2014


Masayang sinalubong ng City Government of Muntinlupa sa mabuting pamumuno ni Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ang mahigit kumulang sa sampung libong mga siklista na dumaan sa East Service Road to Alabang Zapote Road noong November 23, 2014 bilang pagsuporta sa kaunaunahang National Bicycle Day sa bansa at tanda ng pinaigting na kampanya sa malusog na pangangatawan at greener environment.

Pinangunahan ng Environmental Protection and Natural Resources Office sa lungsod na pinamumunuan ni Mr. Ariel Dolleton ang pagsalubong sa mga ito kasama ang iba’t ibang mga tanggapan tulad ng MTMB, POSO, CSO, at Muntinlupa Police Station.

Halos isang oras din ang itinagal ng mga siklistang nagdaan sa lungsod.

Ang mga programang pangkalusugan at pangangalaga ng ating kalikasan ay higit na sinusuportahan ng ating Punong Lungsod alinsunod sa kanyang walong puntong programa. Dahil, Yan ang tama! Yan ang Muntinlupa!




Super Liga November 22, 2014


Naging matagumpay ang Super Liga na ginanap sa Muntinlupa Sports Complex noong November 22, 2014 dahil ito sa pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang panglungsod sa pangunguna ng Gender and Development Office sa pamumuno ni Ms. Trina Biazon at ng Youth Affairs and Development Office sa pamumuno ni Ms. Cynthia Viacrusis. Tampok dito ang sagupaan ng Super Liga Teams tulad ng Mane and Tail Vs Petron Blaze sa unang laban, at Generika Life Savers Laban sa RC Cola para sa ikalawang laban at sa ikatlong laban ang sagupaan ng Cignal HD at ng Cavite.

Bago pa man magsimula ang sagupaan ng mga tampok na kupunan ng Super Liga para sa araw na iyon, nauna na ang sagupaan sa volleyball ng high school volleyball team ng La Salle at ng Muntinlupa Business Science High School. Tagumpay naman ang La Salle sa Score na 3 Sets Win – 0 ng MBSHS.

Sumunod naman ang laban sa pagitan ng San Beda College Aabang at ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. Tulad sa naunang laban nagwagi ang San Beda College of Alabang sa 3 sets Win – 0 kontra sa PLMun.

At ng dumating ang mga tampok na laban sa araw na iyon dumagsa ang mga tao sa venue at hindi magkamayaw ang mga volleyball fans sa pagsuporta sa kanikanilang teams.

Wagi naman ang Petron Blaze kontra sa Mane N’ Tale  sa unang laban. Nagwagi naman sa ikalawang laban ang Generika kontra sa RC Cola. Napagtagumpayan naman ng Cignal HD ang ikatlong laban sa pagitan ng Cavite.


Ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi ay nagbibigay ng kasiyahan para sa bawat Muntinlupeño. Isa lamang ang mga ganitong Gawain upang mag-bigay ng inspirasyon sa mga Muntinlupeño na mahilig sa sports activities.

Pinasasalamatan din ang mga tanggapan na nakiisa sa nasabing programa: Mayor's Office, City Admin., Engineering, POSO, MTMB, PNP, GSO, PIO, MOTORPOOL, MCMAO, DRRMO, CHO.

More Photos Click Here!

Technical Writing seminar November 21, 2014


Nagsagawa ang City Personel’s Office na pinamumunuan ni Ms. Glenda Aniñon ng pagsasanay sa Basic Technical Writing na pinangasiwaan ng tagapagsalita ng seminar na si Dr. Catherine Luma-as na dinaluhan naman ng mga representatives ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod noong November 21, 2014,ito ay ginanap sa Audio Visual Room, Muntinlupa City Hall.

Layunin ng programang ito na turuan ang mga kawani ng pamahalaang lokal na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa pagsulat ng mga kinakailangang mga liham o dokumento na kanilang gagawin.


Inaasahan naman na muli itong masusundan sa susunod na taon.


Ms. Glenda Zamora – Aniñon, PESO-Chief / OIC – City Personnel’s Office

More Photos Click Here!

DepEd Meeting November 20, 2014


Isang pagpupulong ang naganap sa pagitan ng Department of Education Muntinlupa (DepEd) kasama ang mga pinuno at kawani ng ating pamahalaang lokal napinamumunuan ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi noong November 20,2014 sa Audio Visual Room Muntinlupa City Hall tampok dito ang K to 12 program ng ating pamahalaan.

Ang lokal na pamahalaan, pinangunahan ng Edukasyon Mayor Jaime Fresnedi, at DepEd Muntinlupa ay kumikilos bilang iisang team upang magbigay ng serbisyo sa Muntinlupeño at makapagbigay ng access na makapagaral ng mabuti ang mga ito tungo sa magandang kinabukasan.


Ang pagbibigay ng importansya sa edukasyon ay nangunguna sa walong puntong programa ni Education Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi. Dahil ang edukasyon ang tangin maipamamana ng ating mga magulang katuwang ang atin pamahalaan tungo sa inaasam na katagumpayan ng bawat Muntinlupeño.

More Photos Click Here

Jamboree Lake Clean-Up Drive November 19, 2014


Ang papanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating mga historical sites ay binibigyan ng higit na pagpapahalaga ng ating pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi.

Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Lake Management Office sa pamumuno ni Mr. Valentino Niefes sa pakikipagtulungan ng ESC na pinamumunuan naman ni Ms. Lorna Misa sa Jamboree Lake, NBP Reservation Barangay Poblacion Muntinlupa City Misa noong November 19, 2014.


Ang taglay na kagandahan ng lugar ay naging mas-higit na kapansin-pansin sa ginagawang pangangalaga ng ating mga historical sites, dahil layunin ng ating butihing Mayor na maging isang tourism destination ang ating lungsod sa metro south.


Nangunguna ang ESC at Lake Management Office at maging ang City Engineering Office sa pagpapanatili ng kalinisan nito. Hinihikayat ang bawat isa na ito ay pangalagaan.