Tuesday, August 19, 2014

Muntinlupa Waste Analysis and Character Survey



Isa sa Walong Puntong Programa ni Mayor Jimmy R. Fresnedi ang “Environment, at Clean and Green”, bahagi dito ang pagpapanatili ng kalinisan sa buong lungsod, tulad ng  pagtatapon ng basura sa tamng tapunan, paghihiwalay ng mga basura at para naman sa environment ay ang patuloy na pagtatanim sa buong lungsod.

Ang basura ay maituturing isa sa pangunahing problema ng bansa, at maging ng mga syudad sa Metro Manila. Nagsagawa ang Environmental and Sanitation Center ng apat na araw na programang makakatulong upang mabawasan ang dami ng basura at magkaroon ng kaayusan sa pagtatapon nito.

Ginanap ang Waste Analysis and Characterization Survey sa pangunguna ng DILG at ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at sa pakikipag-ugnayan ng MMDA noong August 18 – 21, 2014 sa Phase 2 Covered Court, Sto. Niño Village, Tunasan, Muntinlupa City.

Ayon kay Engineer Rodolfo W. Moldez OIC ng ESC; layunin nitong mapag-aralan ang bilang o dami ng basurang ating itinatapon araw-araw na nagmumula sa iba’t ibang sektor ng ating lungsod at kung paano ito mababawasan. Ito din ay isang hakbang upang makabuo ng 10-year Waste Management Plan.

Naglaan ang DILG ng 200,000 Pesos upang matugunan ang pangangailangan ng nasabing programa. Sinoportahan din naman ito ng iba’t ibang tanggapan ng ating lokal na Pamahalaan tulad ng City Health Office, City Planning and Development Office, EPNRO, LMO, Engineering Office at ng mga Kabalikat sa kalinisan.

Ang mga nakulektang basura ay dumaan sa proseso tulad ng Classification/Weighing, Mixing/Quartering/Weighing, Sorting, Weighing of sorted waste, Encoding/Recording and segregation according to recyclables, biodegradables and residuals, hango ang pamamaraang ito sa  JICA o Japan International Cooperation Agency with the supervision of woodfields Consultant Inc. at ng MMDA, sa ganitong paraan nababawasan ang bilang ng basurang ating itinatapon araw-araw.


Ang pagkakaroon ng wastong kaalaman sa pagtatapon ng basura ay mainam na paraan upang mabawasan ang mga basurang ating itinatapon na maaring maging sanhi ng mga pagbaha, karamdaman at di kaaya-ayang kapaligiran, ito din ay upang mapanatili ang kalinisan sa ating kumunidad.

Livelihood Oppurtunities for Familypreneurship thru Entrepreneurial Capability Building, Manufacturing Business

“To increase food production and family income thru livelihood opportunities for familypreneurship” ayan ang vision ng tanggapan ng Extension Services office / Clean and Green Department of Agriculture City Government of Muntinlupa sa kanilang mga serbisyo sa ating lungsod.

August 12, 2014 Naganap ang 1 day Livelihood Opportunities for Familypreneurship thru Entrepreneurial Capability building and Manufacturing Business workshop sa 2nd floor Main building AVR Muntinlupa City, na nilahukan ng 150 indibidwal na kinatawan ng iba’t ibang organisasyon sa ating lungsod tulad ng Senior Citizens group sa Barangay Poblacion at Southville 3, maging ang mga homeowners association sa Sitio Pagkakaisa Millenium Homeowners, at  iba pa.

Ito ay isa sa mga programa ng Gender and Development Office na pinamumunuan ni MS. Trina Biazon katuwang ang Extension Services office of Department of Agriculture ng City of Muntinlupa sa pangunguna naman ni Ms. Lilibeth Deloso at higit sa lahat ang ating local na pamahalaan sa mabuting pamumuno ni Punong Lungsod Atty. Jaime Fresnedi. Sa pamamagitan ng programang ito ay marami sa ating mga kababayan ang magkakaroon ng karagdagang trabaho na makakasuporta sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

Ang workshop na ito ay may layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman at kakayahan sa makabagong teknolohiyang pangkabuhayan ang mga existing business owners at potential Businessman ng lungsod at  ang mga maliliit na negosyo o micro entrepreneurs. Sa ganitong paraan ang bawat lumahok ay magkaroon ng karagdagang kita ang pamilya at makakatulong sa pag-unlad ng ating lungsod.

Itinuro sa workshop na ito ang manufacturing process, records keeping, profit and loss statement and cash budgeting. Isang real time practice o pagsasabuhay ng market place ang ginawang pamamaraan ng Extension Services Office upang mas-maunawaan at maging pamilyar ang mga nagsipaglahok sa tunay na kalakaran sa negosyo.

Sa araw na iyon natutunan din ng mga participants ang “Home Fan Production” na mula sa raw materials hanggang sa maging isang produktong maibebenta sa mga pamilihan. At tinatayang mayroong nagagawang isang pamaypay kada isang trained individual.

Isa lamang ito sa mga itinuturo ng nasabing tanggapan bagkus madami na silang mga naituro at sa ngayon ay marami na din ang nagnenegosyo ng kanilang mga produkto gaya ng Boneless Bangus, Rellenong Bangus, Soft Bone Bangus, Bottled Bangus, Tinapang Bangus, Fishball, Puto Pao, Liquid Dishwashing, Fabric Conditioner, Puto Cheese, kutchinta, Pulboron, Peanut Butter, Coco Jam, Atchara, Tocino, siomai, longanisa, Coco Burger at Perfume.

Ang mga programang pangkabuhayan ay nagbibigay ng panibagong pag-asa sa bawat mamayan ng Muntinlupa at sa mga taong nagnanais na magkaroon ng magandang buhay sa sariling pagsusumikap. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang pag-asenso ng bawat Muntinlupeños ay makakamtan.

GAD POSITIVE PARENTING SEMINAR

Bakas ang kasiyahan sa mga nagsipagdalong mga magulang sa Positive Parenting Seminar ng Gender and Development office noong August 2, 2014 na ginanap sa Audio Visual Room Muntinlupa City Hall. Dumalo ang mahigit dalawang daan na mga magulang ng mga estudyante ng College of Criminal Justice ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Bilang suporta sa programa ng GAD na pinamumunuan ni Ms. Trina Biazon dumalo ang OIC ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa na si Dr. Ellen Presnedi at ang Dean ng College of Criminal Justice na si. Dr. Herardo Marinay at mga professor ng kolehiyo.

Ayon sa tagapagsalita ng programa na si Mr. Bernard Marquez at ang asawa nito na si Mrs. Ivy Marquez hindi dahilan ang lugar kung saan nakatira ang pamilya sa pagkakaroon nito ng magandang pag-uugali bagkus nasa wastong sistema ito ng pagmamagulang.

Layunin ng programa na turuan ang mga magulang kung paano nila mauunawaan at mapapalaki ang kanilang mga anak ng maayos at may pag-galang sa kanilang mga magulang. Ang pag-mamagulang ay isang relasyon sa mga anak at dapat may regulasyong malinaw, consistent at maayos. Dahil dito ang pamilyang may maayos na sistema at may kaalaman sa responsible parenthood ay magdudulot ng kanais nais na kumunidad. 

PESO Career Assessment sa PEDHS, Isinagawa

Nagkaroon ng Career Assesment sa Pedro E. Diaz High School noong nakaraang lingo sa covered court ng nasabing paaralan na dinaluhan ng may kabuoang bilang na 1,700 na estudyante na nasa ikaapat na taon na magsisipagtapos sa darating na Marso.

Hinati ang 1,700 na estudyante sa magkakaibang session bawat araw sa umaga at hapon. Bawat cluster ay may katumbas na bilang na 250 studyante at sa buong araw ay may total na 500 students ang dumalo sa ganitong gawain.

Sa programang ito ng Public Employment Services Office, inihahanda ang mga estudyante sa kanilang mga pipiliing mga kurso pag-pasok ng kolehiyo. Naimbitahan ang ilang mga tagapag salita mula sa Christ the King na sina Ms. Glen Rose yason at Jhoenny A. Tablesa Marketing Officer,  Mr. Ramil Maranan ng TESDA at si Mr. Jojo Pineda ng Peso.

Tinalakay dito ang personality development, Technical and Vocational Course by TESDA at career orientation bilang paghahanda sa kanilang kukuning kurso o trabaho.

PLMun LifeBox Seminar



Bilang isang estudyante napakahalaga ng pagkakaroon ng mga seminars bilang pag-hahanda sa panibagong mundo sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

Nagkaroon ng LifeBox seminar noong July 31, 2014 sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Audio Visual Room, na dinaluhan ng mahigit 150 students ng College of Arts and Sciences sa pagtutulungan ng LifeBox , Gender and Development (GAD) Office at PLMun pang mapaunlad ang kanilang kaalaman kung paano sila makakatulong sa kanilang kumunidad na kinabibilangan.

Ang Seminar na ito ay pinangunahan ng Gender and Development Office at sinuporthan naman ito ng PLMun. Naroon din si Ms. Trina Biazon ang pinuno ng tanggapan ng GAD upang mag-bigay ng mensahe sa mga estudyante kung gaano kahalaga ang seminar na iyon para sa kanila.

Ang LifeBox ay isang nationwide campus organization na nagpapahalaga sa pagkakaroon ng kahandaan ng mga estudyante sa buhay. Naniniwala ang LifeBOX na ang bawat indibidwal ay may potential na maging isang leader kung kaya tinuturuan nila ang mga estudyante sa iba’t ibang paaralan upang maging isang Servant Leaders.

Ang mga tagapagsalita ng nasabing seminar ay sina, Ginoong Edrei Canda LifeBox Director for Metro South at si Ginoong David Bernardo LifeBox Director of Muntinlupa. Tinalakay nila ang Leadership, Integrity, Faith and Excellence. At ang bawat paksa ay binigyan ng mahusay na pag-papaliwanag at partisipasyon ng bawat estudyanteng dumalo.

Nauna namang dumalo ang College of Teacher Education, College of Business Administration at college of Arts and Sciences nitong July 31 sa parehong seminar sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, susunod naman ang College of Criminal Justice at College of Information Technologies and Computer Studies sa mga susunod na lingo.

Layunin ng seminar na ito na ihanda ang mga estudyante sa kanilang buhay matapos ang kanilang pag-aaral at haharapin ang kani-kanilang mga buhay at higit sa lahat sila ang magiging susi sa pagiging inspirasyon ng bawat kabataan bilang isang LIFE coach.

Pandesalan sa MES, Pinasinayaan Na!


Marami ng mga programa ng ating lokal na pamahalaan ang naisakatuparan para sa bawat Muntinlupeños.

Sa pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon pinasinayaan ang kauna-unahang Bakery  sa lungsod na para lamang sa mga minamahal nating mga  SpEd students ng Muntinlupa Elementary School sa loob mismo ng nasabing paaralan, na sinuportahan ng faculty members nito at ilang kawani ng ating lokal na pamahalaan tulad ng Social Services Department at ng DepEd, kasama ang Special Education Division.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitang ng inisyatibo ni Ginoong Marcelo N. Argana bilang SpEd Coordinator ng MES, Principal ng MES na si Florante C. Marmeto Ed.,D., at mga guro, DepEd, DSWD, mga estudyante ng PLMun at higit sa lahat ang lokal na pamahaalan ng Muntinlupa sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi.

Ayon kay Ginoong Marcelo N. Argana nagbigay daan sa programang ito ng nagkaroon siya ng  pagkakataong mabasa ang R.A. 7277 o mas-kilala bilang “Magna Carta for Disabled Persons” kung saan Nasasaad dito ang pagkakaroon ng sheltered programs para sa mga taong may kapansanan o PWD, dahil dito nagkaroon sya ng inspirasyong pangunahan ang ganitong programa dahil sa labis nuyang pagpapahalaga sa mga Batang may “K”.

Itinatag ang bakery upang makatulong sa mga bata na magkaroon sila ng mga bagong kaalaman at kakayahan kung paano sila makakatulong sa kumunidad at para rin ito sa kanilang sarili na maka-survive sa buhay. Sa katunayan mayroon na silang sampung natatanging SpEd Students na makakatuwang ng mga guro sa pangangasiwa ng programang ito.

Isa lamang itong pamamaraan ng alternatibong pag-tuturo sa mga bata na matuto ng basic counting addition and subtraction, at kung paano sila mag-market ng mga produkto. Kasabay ng pagbubukas ng pandesalan sa MES ang pagdaraos ng maiksing programa gaya ng Mr. and Ms. Nutrition Month at feeding Progra.

Sa pag-bubukas ng “PANDESALAN SA MES” ang mga “Batang may K” ay nagkaroon ng bagong oportunidad upang kanilang maipamalas ang kaya nilang gawin upang makatulong sa ating kumunidad.


Maituturing isa sa Best School Project of SpEd Center ang programang ito para sa ating mga Sped Students. At isang katibayan ito na ang bawat Muntinlupeños ay mahalaga sa kaunlaran ng lungsod.