Nagpapahayag ng mensahe si Mayor Jaime R. Fresnedi sa 400 Barangay Health Workers na umattend sa naganap na BHW Disaster Preparedness Seminar.
Sunod-sunod ang pag-kakaroon ng
Disaster Preparedness Seminar sa iba’t ibang kawani ng ating lokal na
pamahalaan. Kamailan naganap ang seminar sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas, Quezon
City na pinaunlakan naman ng tanggapan ng City Health Office.
Nitong nakaarang lunes July 27,
2014 ginanap ang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Seminar
sa Expo Trade Hall, Filinvest Alabang, Muntinlupa City na dinaluhan ng halos
400 na Barangay Health Workers sa siyam na Barangay ng ating Lungsod upang
magkaroon sila ng sapat na pang-unawa sa epekto ng kalamidad at pagkakaroon ng
mga wastong kahandaan sa mga ito.
Matagumpay na naisakatuparan ang
nasabing programa sa tulong ng ating lokal na pamahalaan kasama ang ibat ibang
tanggapan nito tulad ng Gender and
Development Office na pinamumunuan ni Ms. Trina Biazon, City Health Office na
pinamumunuan ni Dr. Magdalena Meana, Disaster Risk Reduction Management Office
na pinamumunuan ni Ms. Analyn Mercado at higit sa lahat ang tanggapan ni
Congressman Rodolfo Biazon .
Dinaluhan ito ni Punong Lungsod
Atty. Jaime R. Fresnedi, Former Commissioner Ruffy Biazon bilang kinatawan ni
Congressman Rodolfo Biazon, Majority Floor Leader Atty. Patricio Boncayao Jr.,
Councilor Louie Arciaga, Ms. Trina Biazon, Dr. Magdalena Meana at Ms. Analyn
Mercado bilang tanda ng higit na pag-suporta sa ganitong gawain.
Tinalakay ng tagapag-salita ng
seminar na si Ms. Amy Daura M. Gumboc, OIC – Training Division Office of Civil
Defense , ang “Earthquake Hazards and Role of Women in Disaster Risk Reduction”.
Samantalang si Fire Officer 2 Christopher Cagol ng Special Rescue Unit of
Bureau of Fire Protection ang “Fire Emergencies”.
Ang programang ito ay para sa bawat
Muntinlupeño na magkaroon ng sapat na kaalaman sa kahandaan pag-dating sa
panahon ng kalamidad. Layunin din ng programa na paigtingin ang kampanya sa
kapabilidad ng kumunidad sa pag-tulong sa oras ng sakuna, upang maging handa
ang bawat pamilya sa anumang magaganap.
Ang sapat na kaalaman at wastong pamamaraan sa
mga panahon ng kalamidad ay ang pinakamainam na sandata upang makaiwas sa
anumang panganib dulot nito.