Monday, February 2, 2015

Dalawa sa Most Wanted Persons of Muntinlupa City Police Station, Arestado!


Arestado ang dalawa sa Most Wanted Persons sa listahan ng Muntinlupa City Police Station matapos mahuli sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng nasabing tanggapan noong January 29, 2015.

Nakumpiska ang siyam na transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance o hinihinalang “shabu” kay Benito Aniel y Mapili alyas “Beny” 48 years old, sa Esporlas Compound, Upper Putatan, Barangay Putatan, Muntinupa City noong January 29, 2015 dakong 3:30 ng hapon.

Matapos makatanggap ang Muntinlupa Station Anti-Illegal Drugs-Special Task Group mula sa kanilang intelligence section sa kinaroroonan ng suspek agad nila itong pinuntahan sa bisa ng inihain sa kanyang Warrant of Arrest for Violation of Robbery in Band ni Acting Presiding Judge Romulo SG Villanueva ng RTC – Branch 276, Muntinlupa City.

Ang nasakoteng suspek ay ikatlo sa listahan ng Muntinupa City Police Station Most Wanted Person.

Samantala, Kasunod ng pagkakaaresto kay Beny, pinamunuan ni SPO4 Alejandro Nemis ang pagdakip sa  sa ika-pito sa listahan ng Most Wanted Person sa lungsod na si Joseph Aguilar y Manuel, 30 years old, tubong pasay na kasalukuyang naninirahan sa Bunyi Compound Barangay Cupang Muntinlupa City, sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain sa kanya ng RTC – Branch 206 na nilagdaan ni Judge Patria A. Manalastas –De Leon, sa salang Roberry (Hold-Up) at Serious Physical Injuries.

Si Manuel ay nakapiit ngayon sa Temporary Dentention Cell ng Muntinlupa City Police Station, habang hinihintay ang Commitment Order mula sa Korte.


Ang buong pwersa ng Peace and Order cluster ng pamahalaang lungsod ay tinitiyak na ang masasamang loob sa lungsod ay hindi makakalusot sa pinalakas na programa ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi.

No comments:

Post a Comment