Friday, January 30, 2015

“Maaksyong MTMB”


Nagpamalas ang Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) ng karagdagang inisyatibo upang mabawasan ang bumibigat na daloy ng trapiko sa ating lungsod.

 Sa katatapos lang na Seminar tungkol sa  “Basic Traffic Management for Deputation” na isinagawa ng Education and Training Division na ginanap naman sa AHVA Clubhouse, Cupang, dumalo ang siyam na Traffic Enforcers kasama ang apat na miyembro ng Anti-Illegal Vending Division (AIVD) at sampung Security Guards ng Alabang Hills Village Association (AHVA) upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa pagpapatupad ng tamang batas trapiko sa ating lungsod at upang maspalakasin pa ang kanilang ibinibigay na serbisyo para sa Muntinupeño.

Naging maaksyon naman ang AIVD sa kanilang isinagawang operasyon  sa Alabang kontra sa illegal vendors alinsunod sa Section 120 Article XXI ng City Ordinance Number 04-022 (Muntinlupa City Traffic Code) at kautusang Bayan Bilang 88-10 (Anti-Sidewalk Vending), dalawang araw matapos ang nasabing seminar.

Lumahok din sa Auto Road Safety Olympics 2015 ang nasabing tanggapan noong January 24, 2015 na ginanap sa Mall of Asia sa pangunguna ng ilang private groups at ng ating pamahalaan, bilang pagsuporta sa Road Safety Awareness thru Sports.


 Pangunahing layunin pa din ng tanggapan na maging masmaayos ang daloy ng trapiko sa ating lungsod at masmapangalagaan ang kaligtasan ng mga motorista sa lungsod.

No comments:

Post a Comment