Friday, February 6, 2015

Nakawan, Huli ng P.O.S.O.


Dalawang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ang tinutukan ng Public Order and Safety Office (P.O.S.O.) noong Pebrero 2, 2015.

Nahuling nagnanakaw ang tatlong suspek na nagpupuslit ng mga assorted Merchandise sa Tita Las General Merchandise sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, ipinaalam sa tanggapan ng POSO ang mismong pangyayari, kaya’t kaagad silang umaksyon.

Ang tatlong suspek na sina Jobert Cardente 20 years old, Lou Dela Cruz 23 years old at James Calixto 20 years old, ay ang mismong mga helper ng nasabing tindahan. Ang mga nakumpiskang mga ibidensya ay dinala sa kanilang tanggapan para sa karagdagang imbestigasyon.

Samantala arestado din sa salang pagnanakaw ng Mountain Bike si Adrian Pablo y Eusebio, 36 years old matapos mahuli ito habang ginagawa ang pagnanakaw sa Bayanan Public Market. Mabuti na lamang at naroon sina Cristito Veluz, Saturnino Unlayao at Danilo Matera ang mga naka-dutyng traffic enforcers sa mga oras na iyon.


Ang mga nahuling suspek ay sumailalim sa medical examination at sa masmasusing imbestigasyon para sa mga kasong maaring isampa laban sa kanila.

No comments:

Post a Comment