Magkatuwang ang Early Childhood Education (ECED), Social Services Department (SSD) at ang Gender and Development Office (GAD) sa pag-susulong ng mga programa tulad ng Responsible and Positive Parenting.
Mahigit 300 na mga magulang ang nakiisa kasama si Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi, Vice Mayor Artemio Simundac, Councilor Atty. Patricio Boncayao Jr. at Ms. Trina Biazon ang pinuno GAD at si Ms. Maricel Dacuycuy ang Division Chief of ECED sa naganap na Parent Congress na ginanap naman noong September 26, 2014 sa Covered Court Villa Carolina I, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.
Layunin ng programang ito na palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga magulang tungo sa isang maayos na pagpapamilya.
Tinalakay naman ng mga tagapag salita ng programa na sina Rev. Arsenio Dela Cruz ang “Tungkulin ng mga magulang sa pag-unlad ng kanilang mga anak” at si Dr. Rowena Dela Cruz naman ang tumalakay sa “Karapatan ng Bawat Bata”.
Tuloytuloy ang pagsasagawa ng mga programa ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Education Mayor Jaime R. Fresnedi na mabigyan ang bawat magulang ng mga kaalamang makakatulong sa pagpapalakas ng relasyon ng kanilang mga pamilya, dahil, “Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!”
No comments:
Post a Comment