Nakiisa si Education Mayor Jaime R. Fresnedi kasama si Majority Floor Leader Councilor Atty. Patricio Boncayao Jr. sa pagdiriwang ng Family Week 2014 na ginanap sa Soldiers’ Hill Covered Court, Putatan, Muntinlupa City noong September 22, 2014 na dinaluhan ng mahigit 600 katao kabilang ang mga Daycare Students kasama ng kanilang mga magulang.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang mga tanggapan tulad ng Social Services Department na pinamumunuan ni Ms. Analyn Mercado at Early Childhood Education Division sa pamumuno naman ni Ms. Maricel Dacuycuy, matagumpay na ipinagdiwang ang nasabing programa, na may layuning maspaunlad ang samahan o relasyon ng bawat pamilya.
Ang programang ito ay nakapagbigay ng kasiyahan sa bawat pamilyang nagsipagdalo. Naghanda naman ang ECED ng iba’t ibang palarong pinoy na nakapagbigay ng karagdagang kasiyahan at bonding sa bawat pamilya.
Nagpamalas din ng mga talento ang mga participating families sa Family Talent Show bilang bahagi ng programa. At higit sa lahat hindi mawawala ang mga raffle prizes na mas lalong nagpatindi ng excitement sa bawat isa.
Nagbigay naman ng kanyang kaalaman na si Rev. Jose V. Conui III ng Christ Baptist Church at President din ng Christ Baptist Academy bilang spokesperson ng programa.
Patuloy ang pamahalaang lokal sa pagbibigay ng kasiyahan sa bawat pamilyang Muntinlupeños dahil naniniwala si Education Mayor Jaime R. Fresnedi na ang matatag na samahan ng pamilya ay isa sa mahalagang bahagi ng kaunlaran sa ating mahal na lungsod.
No comments:
Post a Comment