Tulong –tulong sa pagbibigay serbisyo ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalahan sa pamumuno ni City Mayor Jaime R. Fresnedi katuwang ang tanggapan ni Congressman Rodolfo Biazon sa pagbibigay ng tamang serbisyo at tamang kaalaman tungkol sa kahandaan sa panahon ng kalamidad.
August 30, 2014 ginanap ang Disaster Preparedness Seminar para sa mga kapatid nating Muslim na naninirahan sa ating lungsod na idinaos sa 3rd Level Max’s Restaurant Starmall Alabang, City of Muntinlupa upang magkaroon sila ng sapat na pang-unawa sa epekto ng kalamidad at pagkakaroon ng mga wastong kahandaan dito.
Sa pamamagitan ng pag-kakaisa ng mga layunin ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan tulad ng Gender and Development Office na pinamumunuan ni Ms. Trina Biazon, Muntinlupa City Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni Ms. Analyn Mercado, Muntinlupa City Muslim Affairs Office sa pamumuno ni Bro. Johnny Guiling at ng tanggapan ni Congressman Rodolfo Biazon.
Dumalo rin si dating Commissioner Ruffy Biazon bilang kinatawan ni City Congressman Rodolfo Biazon upang magbigay ng supporta at mensahe para sa kanila. Samantlang si Ginoong Ronald Suitado naman ang kanilang naging tagapagsalita na isang Certified Urban Search and Rescue ng United Nation, Certified Trainer on Disaster Risk Reduction and Management, Certified Trainer on Emergency Management ng Phil. Heart Association at Kasalukuyang Training Division Officer ng MCDRRMO.
Ayon kay Bro. Johnny marami pang susunod na proyekto ang pamahalaan lokal kasama ang MCMAO sa pagbibigay serbisyo para sa mga kapatid nating muslim sa Muntinlupa.
Labis na ikinagalak ng Muslim Community ang pagkakaroon ng ganitong programa para sa kanila. Tanda lamang ito ng mabuting pamumuno ni Mayor Fresnedi na mabigyan ng pantay na pagtingin ang mga mamayan sa lungsod. Ang tamang kaalaman ay kahandaan! Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!
No comments:
Post a Comment