Ang Training para sa lahat ng Information Officers sa bawat departamento ay naisakatuparan ng Public Information Office sa pamumuno ni Ms. Teresita Valencia-Navarro sa Muntinlupa City Hall, Audio Visual Room noong September 16, 2014.
Ang PIO ay tinalakay ang ilang mahahalagang detalye at mga paksa tulad ng; The Difference Between Information Officers and Public Relations, Basic Newswriting, Basic Photography at ang paggawa ng mga Facebook Page/Accounts para sa bawat departamento ng lokal na pamahalaan upang makapag-bigay ng mabilis, sigurado at maasahang impormasyon.
Naimbitahan si Councilor Atty. Raul Corro upang magsalita sa nasabing training at nagbigay ng kanyang karanasan sa pagiging isang Information Officer. Hindi din naman nagpahuli si dating Presidential Spokesperson, Former Congressman and Former Mayor Atty. Ignacio “Toting” Bunye na nagbahagi din ng kanyang expertise sa pamamagitan ng Audio Visual Presentation.
Naroon din ang mga tagapagsalita ng Public Information Office na sina Mr. Marvin Kenneth M. Santos, Mr. Orlando Balila at Mr. Patricio Boncayao III na ibinahagi ang ilang karagdagang kaalaman tungkol sa Basic Newswriting, Basic Photography at Social Media.
Magkakaroon naman ng eleksyon ng mga IO sa mgasusunod na araw upang mas mapalakas ang kampanya sa pagbibigay ng agarang impormasyon sa publiko.
No comments:
Post a Comment