Friday, January 23, 2015

Lakbay Aral sa bayan ng Carmona


Nagkaroon ng Study Tour o Lakbay Aral sa bayan ng Carmona Cavite ang mga stakeholders ng Muntinlupa City Council for Persons with Disability (MCPWD)  kasama ang pinuno ng mga tanggapan ng ating Pamahalaang Panglungsod noong January 22, 2015, upang masmadagdagan pa ang kanilang kaalaman sa pagbibigay ng magandang serbisyo at mga programa para sa mga kapatid nating Muntinlupeños.

Kinikilala ang bayan ng Carmona sa kanilang magandang programa para sa mga taong may kapansanan kung kaya naman ang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi sa pamamagitan ni Ms. Analyn Mercadong Social Services Department (SSD)  ay nakipagugnayan kay Carmona Municipal Mayor Dahlia A. Loyola upang palawakin ang serbisyong ibinibigay ng lungsod sa pamamagitan ng mahahalagang Kaalaman na kanyang maibabahagi tungkol sa kanilang magandang programa para sa mga PWD.

Matapos ang pagbibigay ng PWD – presentation ni Mayor Loyola, bumisita ang Muntinlupa deligation kasa ang ilang mga pinuno ng mga tanggapan ng  Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa PWD Center ng bayan ng Carmona upang tignan ang aktwal na ginagawa ng kanilang mga students with special needs.


Makikita ang magandang programa ng Carmona para sa kanilang mga kababayan, tulad ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi nais nyang ang mga Muntinlupeños na may espesyal na pangangailangan ay magkaroon din ng normal at maayos na pamumuhay sa ating lungsod, dahil, Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!


MCPWD Lakbay Aral sa bayan ng Carmona Cavite – Kasama ng MCWPD Stakeholders si Municipal Mayor of Carmona Dr. Dahlia A. Loyola at mga pinuno ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na sina;  PIO - Tez V. Navarro, SSD- Analyn Mercado, MIS - Jonnah Hidalgo, MTMB - Gerrard Comia, YASDO - Cynthia Viacrusis, ECED - Maricel Dacuycuy and representatives of CHO, PESO, Personnel, DepEd  upang aralin ang programa at mga serbisyo ng bayan ng Carmona para sa mga PWD, January 22, 2015 sa Carmona Municipal Hall.






No comments:

Post a Comment