Friday, November 14, 2014

Meat Traders Bazaar

Mga produktong magaan sa bulsa, masarap, at gawang Muntinupeño! na talaga namang maipagmamalaki ng ating lungsod.

Sa pangunguna ng Office of the City Veterinarian na pinamumunuan ni Ms. Pamela Hernandez  inlisunsad ang Meat Traders Bazaar noong November 14, 2014 sa Annex Building, Muntinlupa City Hall na nilahukan ng Local Meat Processors ng ating lungsod.

Dumalo bilang pakikiisa sa programa sina City Administrator Engineer Allan Cachuela, Ms. Alita Ramirez of UPAO, Ms. Wilhelmina Delfin of LCR kasama ang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.

Ang mga Meat Processors sa ating lungsod ay nagsama-sama upang maibida ang kani-kanilang mga produkto na gawa sa karne tulad ng Embutido, Longganisa, Tocino, Ham, Burger Patties, Siomai at iba pa.

Ang pamahalaang lokal sa pangunguna ni Muntinlupa City Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi ay naglalayong ipakilala at tangkilikin sa lungsod ang mga produktong sariling atin.



















Sa isang araw na Meat Traders Bazaar ay makakabili tayo ng mga produktong gawa sa karne na masarap! Magaan sa bulsa at gawang muntinlupeño.
















No comments:

Post a Comment