Tuesday, November 11, 2014

Kalingang Munti! sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Cupang, Muntinlupa City

Iba’t ibang mga serbisyo sa iisang programa, yan ang Kalingang Munti! na nagalalapit sa mga Muntinupeño ng mga benepisyo at mga serbisyong tapat sa mamayan.

Ginanap ang dalawang araw na programang Kalingang Munti sa Acero Compound, West Service Road Barangay Cupang, Muntinlupa City noong November 7 at 8, 2014 na kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang mga tanggapan ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Jaime R. Fresnedi, sa pamamagitan ng Community Affairs and Deveopment Office na pinamumunuan ni Mr. Danidon Nolasco upang magbigay ng tunay na kalinga sa mga Muntinlupeño.

Ramdam ng mga taga Sitio Sto. Niño ang  Kalingang Munti Program dahil ito sa pagtutulungan ng mga tanggapan na maipaabot sa mga residente ang mga programa ng ating lokal na pamahalaan.

Dagsa naman ang bilang ng mga tao na nakiisa sa programang dala ng City Government of Muntinlupa. Kanya kanyang mga serbisyo ang inalay ng mga kawani ng iba’t ibang tanggapan para sa mga ito.

Ang City Health Office kasama ang Ospital ng Muntinlupa, JRF at City Veterinary ang mga tanggapang namahala sa Medical Services sa mahigit dalawang daang mga pasyenteng pumunta sa free Dental Check-up, Papsmere, Medical Check-up at pagbibigay ng mga vitamins, kasama din dito ang pagbabakuna sa mga alagang hayop ng Anti Rabies, Deworming and Vitamins.

Ang mga tanggapan tulad ng Muntinlupa City Technical Institute, Peoples Coordinating Office, Department of Agriculture Extension Office at Enviromental Sanitation Center ang nangasiwa sa General Services tulad ng Free Haircut, Hair Coloring, Foot Spa, Massage, at Community Clean-Up Drive.

Pinangasiwaan naman ng mga tanggapan tulad ng Public Employment Services Office, Social Services Department, SAGIP, Gender and Development Office, Philhealth, SSS, Local Civil Registrar, City Library, at Councilor Atty. Patricio Boncayao Law Office ang Orientation and Registrations.

Habang sa Special Services naman nakapaloob ang JRF Dagdag Puhunan, Dalaw Kalinga, Eye Glasses Distribution, Infrastructure Project, Sports Clinic, Sports Material Distribution, JRF Educational Assistance, Oathtaking of Community Organization, Oathtaking of Youth Organization na pinamahalaan naman ng YASDO, City Library, Engineering Office, OSCA, PCO, at JRF.

Labis naman ang pasasalamat ng mga naninirahan sa nasabing lugar ang kalingang hatid ng ating lokal na pamahalaan na sila ay mabigyan ng magandang mga serbisyo at mga programang para sa Muntinlupeños.

Kalingang Munti! “Tunay na Kalinga, Ramdam sa Muntinupa! Dahil Yan ang Tama! Yan ang Muntinlupa!.






More Photos Click Here








No comments:

Post a Comment