Sa patuloy na pagbibigay ng atensyon at masusing
pag-aaral tungkol sa mas-maayos na mga programa sa trapiko, ang pamahalaang
Lungsod ng Muntinlupa sa mabuting pamumuno ni Mayor Atty. Jaime R. Fresnedi,
ay naki-isa kasama ang iba’t ibang lokal
na pamahalaan at mga ahensya ng iba’t ibang sector sa naganap na pagtalakay sa
Traffic and Transport Management for
Philippine CDS Cities Project.
Noong March 16, 2015, sa pamamagitan ng tanggapan ng
Muntinlupa Traffic Management Bureau na dinaluhan ni Mr. Roberto Castro – Head
of Education and Training Division, naganap ang nasabing programa na may temang
“From Plans to Progress: The Local Government Units’ Quest for Environmentally
Sustainable Transport”, na sinuportahan naman ng Cities Alliance at ng World
Bank and Almec Corporation, sa Sequoia Hotel, Mother Ignacia St. Cor.
Timog Ave., Quezon City.
Si
Dr. Ka Feng na nagmula pa sa China na isang Lead Transport Specialist, ang naging Keynote Speaker at tinalakay ang
Communicating reforms and changing mindsets in the transport sector”.
Ang
Muntinlupa ay kabahagi ng League of the Cities of the Philippines na naglalayong
mas-mapabuti ang mga programa at serbisyong hatid ng ating pamahalaan sa ating
mga mamayanan.
Hindi lamang sa pagpaplano tumitigil ang ating
pamahalaan lungsod, bagkus ang mga planong ito ay unti-unti ng naisasakatuparan
tungo sa mas-maunlad na lungsod.
Traffic and
Transport Management for Philippine CDS Cities Project: Nagbigay ng welcome
remarks si LCP Focal Mayor for the TTM Project from Dipolog City Hon. Evelyn
T. Uy, noong March 16, 2015 sa Sequoia Hotel, Quezon City.
|
No comments:
Post a Comment