Nagpamalas ang Muntinlupa Traffic
Management Bureau (MTMB) ng karagdagang inisyatibo upang mabawasan ang bumibigat
na daloy ng trapiko sa ating lungsod.
Sa katatapos lang na Seminar tungkol sa “Basic Traffic Management for Deputation” na
isinagawa ng Education and Training Division na ginanap naman sa AHVA
Clubhouse, Cupang, dumalo ang siyam na Traffic Enforcers kasama ang apat na
miyembro ng Anti-Illegal Vending Division (AIVD) at sampung Security Guards ng
Alabang Hills Village Association (AHVA) upang madagdagan ang kanilang kaalaman
tungkol sa pagpapatupad ng tamang batas trapiko sa ating lungsod at upang
maspalakasin pa ang kanilang ibinibigay na serbisyo para sa Muntinupeño.
Naging maaksyon naman ang AIVD sa
kanilang isinagawang operasyon sa
Alabang kontra sa illegal vendors alinsunod sa Section 120 Article XXI ng City
Ordinance Number 04-022 (Muntinlupa City Traffic Code) at kautusang Bayan
Bilang 88-10 (Anti-Sidewalk Vending), dalawang araw matapos ang nasabing
seminar.
Lumahok din sa Auto Road Safety
Olympics 2015 ang nasabing tanggapan noong January 24, 2015 na ginanap sa Mall
of Asia sa pangunguna ng ilang private groups at ng ating pamahalaan, bilang
pagsuporta sa Road Safety Awareness thru Sports.
Pangunahing layunin pa din ng tanggapan na
maging masmaayos ang daloy ng trapiko sa ating lungsod at masmapangalagaan ang
kaligtasan ng mga motorista sa lungsod.