Ang paaralan ang ikalawang tahanan ng ating mga anak, kaya naman binibigyan ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Fresnedi ang bawat guro ng karagdagang kaalaman at kasanayan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
Noong Hunyo 14 - 15, 2016 nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa tamang pagbibigay ng paunang lunas (Update on Standard First Aid and Basic Life Support) ang mga guro ng Day Care Centers sa lungsod, ito ay sa pangunguna ng Early Childhood Education Division o ECED na ginanap sa Villa Avanzueda, San Pablo Laguna.
Katuwang ang Social Services Department at ang mahuhusay na tagapag sanay ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction Office ng lungsod naibigay nito sa mga guro ang tamang kaalaman na makakatulong sa oras na hindi natin inaasahan, lalong lalo na sa panahon ng kalamidad.
Makakasiguro ang ating mga magulang na ligtas ang ating mga anak sa kanilang pag-aaral dahil mayroon tayong mga guro na may angkop na kasanayan at kaalaman na maibabahagi hindi lang sa mga bata gayundin naman sa kanilang mga magulang.
BY:-RBR
(PC) ECED
No comments:
Post a Comment