Tuesday, October 13, 2015

BARANGAY ACCOMPLISHMENTS REPORT FOR THE FIRST SEMESTER CALENDAR YEAR 2015:

Barangay Ayala Alabang Report Summary:
Alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2015107 iprinisinta ng Barangay Ayala Alabang  Information Officers noong October 12, 2015 ang kanilang mga naging accomplishment sa loob ng anim na bwan mula Enero hanggang Hunyo 2015 sa ginanap na regular na Information Officers meeting.

Naging masigasig ang nasabing Barangay sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga serbisyo at proyekto na alay sa kanilang mga nasasakupan.

 Sa pagpasok ng taong 2015 ang taunang Business Permit Renewal ang kanilang tinutukan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga representatives ang Barangay Alabang na makakatulong upang mapabilis sa pagkuha o pagrenew ng mga business permit para sa kanilang Barangay. Naglungsad din sila ng mga ordinansa, isa na dito ang Cat Trapping and Dog Ordinance.

Katuwang ng pamahalaang lungsod ang bawat barangay sa pagbibigay ng mga mabubuting serbisyo at programa na makakatulong sa maayos na pamumuhay ng bawat Muntinlupeño, sa pamamagitan ng  pagbibigay nila ng mga medical services tulad ng, Free Medical Exams,  Medical Orientation – Psychological First Aid, Blood Letting Activity, Operation Tuli, Free Memory Screening for the senior Citizens, Free Flu Vaccine and Blood Sugar Screening, maging ang kanilang mga alagang hayop ay nabibigyan din ng serbisyo tulad ng naisagawang Anti-Rabies Dog Day Event.

Bukod sa medical services, binibigyan din nila ng pansin ang pagpapaunlad ng kakayahan at kasanayan ng mga Muntinlupeñong naninirahan sa kanilang Barangay, tulad ng; Fire Prevention Talk, Disaster Prepareness, Educational Talk at nagkaroon din ng Inspection of Putatan Water Plant – Source of Water of Ayala Alabang Residents upang magkaroon ng karagdagang kaalaman at mapanatili ang kalinisan ng water source.

 Nagsagawa din ng mga sports clinic para sa mga kabataan at maging sa mga senior s citizens tulad ng, Summer League, Swimming Lesson, Ultimate Frisbee, Volleyball Clinic and Gold Tournament naman para sa mga senior Citizens.

Katuwang din ang nasabing barangay sa pangangalaga ng ating kalikasan, kaakibat ng kanilang mga infrastructure projects and services nanakakatulong sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran gaya ng paglalagay ng Solar Light at pag-gamit ng Electronic Jeep sa kanilang lugar.

Ipinapakita ng Barangay Ayala Alabang ang kanilang maayos na pagseserbisyo para sa kanilang mga nasasakupan, dahil ito sa kanilang paniniwala na posibleng maabot ang maayos na pamumuhay ng bawat isa kung sila ay sama-samang nagtutulungan, dahil “kayang-kaya kung sama-sama”.

Barangay Ayala Alabang: January to June “KAYANG-KAYA PAG SAMA-SAMA”
                January:
1.       Business Renewal
2.       Cat Trap and Dog Ordinance
3.       Razor Wire Turn-Over to AAVA
February:
1.       Medical Orientation – Psychological First Aid
2.       Free Medical Exams
3.       Cultural / Valentine Celebration
4.       Acquisition of Payloader
March:
1.       Blood Letting
2.       Day Care Recognition
3.       Fire Prevention Talk
4.       Meeting of the neighborhood Disaster Coordinating Council
April:
1.       Installation of Solar Light at Acacia Gate
2.       Free Memory Screening for the senior Citizens
3.       Summer League
4.       Swimming Lesson
5.       Basketball Clinic
6.       Ultimate Frisbee
7.       Volleyball Clinic
8.       Operation Tuli
9.       Maintenance and Management of Basketball Courts
10.   Green Garbage Collection
11.   Cultural – Easter Egg Hunt
May:
1.       Free Flu Vaccine and Blood Sugar Screening
2.       Pacquiao Fight Screening Showing
3.       Educational Talk – Importance of Play
4.       E-Jeep Trial
5.       Anti-Rabies Dog Day Event
June:
1.       Muntinlupa Rescue Seminar
2.       Alternative Learning System
3.       Opening of Classes of Ayala Alabang Day Care Center
4.       Golf Tournament for Senior Citizens
5.       Inspection of Putatan Water Plant – Source of Water of Ayala Alabang Residents